Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraKatawan ng kalilibing na babae, ‘nilapastangan’ sa Tuy, Batangas

Katawan ng kalilibing na babae, ‘nilapastangan’ sa Tuy, Batangas

ISANG kalunus-lunos na pangyayari ang gumimbal sa buong probinsya ng Batangas at mga kalapit lugar na naganap sa bayan ng Tuy, kung saan isang kalilibing lang na magandang babae ang “nilapastangan” umano ang katawan nito.

Ang naturang insidente na nag-viral din sa social media ay hind umano gawain ng mga taong nasa normal na pag-iisip. Bumuhos ang mga galit na komento ng mga netizen sa mga taong sangkot sa karumal-dumal na insidente.

Heto ang kuwento sa ALA BIRA na aking reliable source. Isa umanong 40-anyos na napakagandang babae at diumanoy namatay at inilibing sa municipal cemetery ng bayan ng Tuy. Ngunit ang nasabing bangkay ay “nilapastangan” diumano ng tatlong katao na marahil ay sinapian ng demonyo ng mga oras na yun.

Ang kaawa-awang babae ay inilabasumanosa nitsong pinaglibingan nito, at ginahasa ng malulupit kalalakihan na sabik sa tawag ng laman at masasabi nating mga kampon ng demonyo na nabubuhay sa mundo.

Hangad ng inyong lingkod na matukoy kung sino ang tatlong walang pusong kalalakihan na gumawa ng naturang krimen.

Mariin namang itinanggi ng isang Cpl. Bonifacio ang naturang krimen ng subukan ng ALA BIRA na tawagan ang istasyon ng pulis ng Tuy para kumuha ng report.


‘Maintenance’ ng mga senior citizen, isama sa taunang pondo ng LGU

TINATAWAGAN natin ng pansin ang mga lokal na pamahalaan dito sa probinsya ng Batangas na isama o mapabilang sa taunang pondo ang mga maintenance ng mga senior citizen.

Kahit sana hindi lahat ang mahalaga ay may karagdagang tulong na magmumula sa mga lokal na pamahalaan

Maraming nakakausap ang inyong lingkod na mga katandaan na nahihirapan na mamintina o matustusan ang pang-araw-araw na gamot lalo na yung mga nagmula sa ,ahirap na pamilya.

Sana ay mabigyan ng pansin ng pamahalaan ang problemang ito ng mga katandaan na naghahangad na madugtungan pa ng kanilang buhay.


Mabaho at maingay na Planta sa Calaca, pinaiimbestigahan

MAY ilang residente ang lumapit sa inyong abang lingkod upang humingi ng tulong na maiparating sa mga ahensiya ng gobyerno o higit sa lahat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maibestigahan ang mga planta o factory sa lungsod ng Calaca na nakakaepekto sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na sa mga residenteng nakatira malapit sa naturang mga planta.

Sa pamamagitan umano ng inyong lingkod bilang isang mamamahayag ay mabilis umanong maipaaabot sa DENR o sa ibang ahensiya ng gobyerno ang problema ng mga residente.

Mabaho at maingay diumano ang mga nasabing planta kaya nais ng mga residente ng mapatigil ang mga operasyon nito o mailipat sa mga lugar na walang maaapektuhan na residente. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments