Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News‘Dredging project’ para sa maginhawang buhay ng mga Bokawenyo -- VM Tugna

‘Dredging project’ para sa maginhawang buhay ng mga Bokawenyo — VM Tugna

BOCAUE Bulacan — Sinimulan na ang paghuhukay, pagpapalalim o dredging sa mga kailugan, sapa at mga kanal na siyang pangunahing daluyan at imabakan ng tubig ulan sa tuwing sasapit ang panahon ng tag ulan sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna.

Ang madalas na pagbaha ay isang matinding hamon para sa mga residente ng bokawe na nagdudulot ng pagkagambala, pagkasira ng mga kabuhayan at kagamitan at pagkabalisa. Kung kaya’t ang pagtugon sa isyung ito ay masusing tinalakay sa bulwagan ng Sangguniang Bayan (SB) noong buwan ng Agosto ang dregging project na walang patid natinutukan ni Vice Mayor Tugna sa kanyang privilege speech.

Ang dredging project ay mayroong P2.9 milyong pondo mula sa lokal na pamahalaan. Ang unang bahagi ng nabanggit proyekto ay nakalaan sa sapa mula sa Barangay Igulot hanggang Barangay Bunlo pati na rin ang Brgy. Binang 1st pumping station. Ito ay pagsusumikapang maisakatuparan bago matapos ang taon. At ang ikalawang yugto naman ng proyekto ay magsisimula sa susunod na taon na sadyang nakalaan para sa iba pang mahahagang lugar.

Ipinaliwanag ni Tugna na ang dregging project ay isang komprehensibong pagsisikap na may kinalaman sa pagtanggal ng mga naipon na sediment, debris at iba pang sagabal o bara sa mga at ilog ng Bocaue. At hindi lamang sa pagsasaayos ng kapasidad ng daloy ng mga tubig kundi para makatulong din sa pangkalahatang kaayusan ng tubig sa kanilang nasasakupan.

“Tapat sa ating pangako, inilunsad po natin ang proyektong ito para ibsan ang pagbaha sa ating bayan at protektahan ang kalusugan,kaligtasan at kagalingan ng lahat ng Bocaueño sa panahon ng bagyo,” saad ni Tugna

“Nagpapasalamat po ako sa suporta ni Mayor Jonjon JJV Villanueva at ating Team Solid Councilors, gayundin sa DPWH, Municipal Engineering Office, MENRO at mga pribadong mamamayan na tumulong upang matiyak ang tagumpay ng proyektong ito. Kami ay nakatuon sa pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan at pangkalahatang kagalingan ng ating mga kapwa Bocaueño. Ang dregging project na ito ay isang kritikal na hakbang tungo sa pagkamit ng layunin. Sa pamamagitan ng pagpapanatili natin na walang harang o bara ang ating mga daluyan ng tubig at kinakailangan din na panatiliin ang disiplina ng bawat isa na wag magkalat. Magtapon ng basura sa tamang tapunan ito po ay malaking tulong para mababawasan at maiwasan ang pagbaha sa ating bayan,” dagdag pa ni Tugna. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments