Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsMahigit P25-M halaga ng shabu nasabat sa NAIA; Malaysian National arestado

Mahigit P25-M halaga ng shabu nasabat sa NAIA; Malaysian National arestado

HAWAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naarestong Malaysian National na nagtangka na magpasok ng mahigit P25 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa NAIA terminal 3 kamakailan.

Ito ay nasabat ng mga tauhan ng Customs Port of NAIA at NAIA-PDEA Inter Agency Drug Interdiction Task Group ang naturang pasahero na mula sa Addis Ababa.

Sa inisyal report ng NAIA-PDEA kay Director General Moro Virgilio Lazo, chief ng PDEA, dumating ang naturang Malaysian National na kinilalang Mohammad Ahtsham bin Mohammad Afzal, 27 anyos, ng Ethiopian Airline Flight ET644 na lumapag sa NAIA terminal 3 mula Addis Ababa Huwebes ng gabi (Oct. 12).

Nakita sa imahe ang hinihinalaang droga nang dumaan ito sa X-ray monitor ng customs examiner ang luggage.

Sa initial inspection at physical examination natagpuan ang dalawang improvise pouch kung saan binalot ng brown packaging tape ang isinilid na 3,722 grams na hinihinalang shabu.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments