HAGONOY, Bulacan — Dumalo si Vice Governor Alex Castro sa Ika-75 Guning Taon ng Pagkakatatag ng Simbahan ng Parokya ng San Juan Bautsita sa Barangay San Juan sa nabanggit na bayan nung Thursday (March 23).
Malugod na binati ng masipag na bise gobernador ang mga parishioner na naturang simbahan na nag-celebrate ng kanilang Diamond Year.
Taimtim na nanalangin si Castro sa ginanap na Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Dennis Villarojo, DD at ni Rev. Fr. Melchor Ignacio, Kura Paroko.
Mabuhay ang Parokya ni San Juan Bautista, Mabuhay ang mga taga-Hagonoy. (UnliNews Online)