Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsInsentibo sa mga ‘topnotchers’ ng bar at board exam sa Malolos, pinagtibay

Insentibo sa mga ‘topnotchers’ ng bar at board exam sa Malolos, pinagtibay

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance No. 45-2023 o ang pagbibigay ng insentibo sa mga Malolenyong magiging “topnotchers” sa bar at board exam.

Sa pamumuno ni SK President Patrick Dela Cruz, inaprubahan ng Lupon ng Paggawad at Pagkilala na nabanggit na ordinansa na nilagdaan naman nina nina Konsehal Michael M. Aquino, Konsehal Dennis D. San Diego, Konsehal Emmanuel R. Sacay, SK President Patrick S. Dela Cruz, Konsehal Victorino M. Aldaba III, at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Base sa ordinansa, magkakaroon ng “cash incentives” na nagkakahalaga ng P50,000 para sa mga Maloleñong makakapasok sa top 10 o topnotcher sa Bar Exam at Board Exam na pinangangasiwaan ng Professional Regulation Commission (PRC) at Supreme Court of the Philippines para sa bar examination.

Ipinahayag ni Konsehal Niño Bautista ang kanyang buong suporta sa ordinansang ito, dahil batay sa kanyang sariling karanasan, lubos na mahirap at nakakapagod sa aspeto ng pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at emosyonal ang pagtangkang pumasa sa Bar Exam. Ipinahayag din ng mga kasapi ang kanilang suporta sa nasabing ordinansa.

Dumalo sa pagdinig sina Konsehala Therese Cheryll “Ayee” Ople City Budget Officer Leilani O. Maclang, kinatawan mula sa City Treasury Jose B. Bautista IV, kinatawan mula sa City Accounting Mary Jane B. Mercado, Local Youth Development Officer Bryan Paulo S. Santiago, at kinatawan mula sa DepEd-Malolos Dr. Cynthia C. Briones. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments