Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsCOP ng Pandi PNP, may tagubilin sa papalapit na Barangay Elections

COP ng Pandi PNP, may tagubilin sa papalapit na Barangay Elections

SA isang pagkakataon ay sinorpresang dalawin ang tahanan at nakipagkita ng personal sa Katropa, ang matikas at masipag na si P/Lt. Col. Rey Apolonio, Chief of Police ng Pandi, Bulacan, kasama sina Patrolman Cambria Rivera at isa pa kamakailan.

Matapos ang kumustahan ay nabanggit niya ang papalapit na Halalang pam-baranggay. Ayon kay P/Lt. Col Apolonio, sa ika-28 ng Oktubre ay magsisimula na ang checkpoint ng motorsiklo at mga kotse.

Isang checkpoint ang ilalagay sa ‘strategic area’ ng bawat bayan. Bawal ang pagdadala ng mga ‘deadly weapon,’ tulad ng baril, ‘bladed weapon’ at anumang replika ng mga ito. Kanila rin umanong hihigpitan ang pagpapatupad ng ‘Liqour ban’ sa panahon ng pagboto sa ika-30 ng nabanggit na buwan.

Makikita sa larawan sina Katropang Vic Billones III at P/Lt. Col Rey Apolonio, COP, Pandi PNP.

“ Sa election period, ay normal naman na nangyayari (ang mga dapat ipagbawal,) at hindi na bago sa inyo. Para maiwasan natin na magkaroon ng problema, na hindi kayo maaresto at makasuhan, ay huwag na natin ipilit o gawin ang hindi tama.

Kung ano ang ipinagbabawal ay bawal talaga, at saka ‘bear with us’ dahil magkakaroon po ng ‘inconvenience’ sa inyong mga motorista, sa ‘pagpa-flagdown,’ pagpapara at pagtse-tsek ng inyong mga sasakyan,” wika ni Apolonio.

Napagalaman pa ng Katropa na ang oras at simula ng kanilang checkpoint ay gagawin sa gabi hanggang magdamag. Ang oras ay depende at ang bilin ay magmumula sa provincial office.

“ Pero normally po iyan ay magdamagan,” patapos ni Apolonio.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat sa pagdalaw at Mabuhay ang Pandi PNP at kay COP P/Lt. Col Rey Apolonio! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments