Ni Marcelo Gatmaitan
LUNGSOD NG MALOLOS — Matapos ang 48 oras na coaching, mentoring at brainstorming session, pinangaralan ang mga nagsipagwagi sa Start Hackathon 2023 na ginanap sa DAP Conference Center kamakailan.
Mula sa 10 finalists, tatlo dito ang tinanghal na may pinaka-malikhain at pinakamagandang solusyon at inobasyon na akma sa mga isyu at problemang kinakaharap ng ating lungsod.
Ang Top 3 groups na nagkamit ng P100k bilang seed money ay ang mga sumusunod:
- 1st Place Team SHOETECH
- 2nd Place Team OPEN SOARS
- 3rd Place Team TROYER
Ang mga grupong ito at ang kani-kanilang mga innovative ideas and solutions ay opisyal na magiging bahagi ng mga programang isasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos tungo sa pagiging Smart City.
Ayon sa mensahe ni Vice Mayor Migs Bautista, ang mga ideya ng mga nagsipagwagi ay magiging kaakibat ng Pamahalaang Lungsod upang mas epektibong maiparating ang mga pangunahing serbisyo sa mga Malolenyo.
Ayon din sa kanya, ang kanyang opisina ay patuloy na makikipagtulungan kay Mayor Christian D. Natividad sa mga ganitong klase ng programa na ang layunin ay mapabilis at mas maging abot kamay para sa mga Malolenyo ang anumang serbisyong kakailanganin ng mga ito.
Samantala nagsilbing miyembro ng panel of judges sina Juan Miguel Carlos Abriol- Santos ng UP Open University, Kevin Martin Dela Cruz, Government Consultant at Program Development Manager, DAP-CSF Program Manager Jennifer Gayle Ragos, Regemrei P. Bernardo, Malolos City Information Officer, City Administrator Joel Eugenio, at Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista. (UnliNews Online)