Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizEx-lover ni Francis M. ibinunyag ang mga huling habilin ng legendary rapper

Ex-lover ni Francis M. ibinunyag ang mga huling habilin ng legendary rapper

IBINUNYAG nang naging ex-lover ni Francis Magalona na si Abegail Rait ang mga huling mensahe bago ito pumanaw.

Sa nasabing vlog ni Julius Babao, naitanong niya kung anong naging habilin ni Francis M para sa kanilang mag-ina.

“Bago siya mawala non, nag-usap kami for three hours,” saad ni Abegail.

“Ang natatandaan ko lang na exact linya niya, ‘Huwag kayong mag-alala, baby, mama. Nakakasa na kayong mag-ina ko,’” dagdag pa niya.

Pero ayon kay Abegail, wala naman daw naiwan para sa kanila ng kanyang anak na si Gaile Francesca.

Buti na lang daw ay kinaya niyang buhayin mag-isa ang kanilang anak dahil may trabaho naman siya noon bilang flight attendant.

“Nabuhay ko naman siyang mag-isa, kinaya ko naman,” ayon kay Abegail.

Matatandaan na lumantad si Abegail at kanyang anak kay Boy Toyo ng ‘Pinoy Pawnstars’ kung saan ibinenta niya ang jersey ni Francis M.

Anak daw ni Francis M hinamong magpa-DNA

MAY mga humanga sa lakas ng loob ni Abegail Rait na ilantad sa mundo ang umano’y anak nila ng namayapang OPM rap icon na si Francis Magalona pero may ilan din namang bumatikos sa kanya.

Ilan sa mga nambabatikos, hinamon na ipa-DNA ni Abegail ang umano’y anak nila ni Francis M na si Gaile Francesca.

Sey ng mga basher, tila ginagamit lang umano ni Abegail at ng anak niya ang Master Rapper para makilala lalo na’t inamin mismo ng dating flight attendant na may planong pumasok sa showbiz ang kanyang anak.

Narito ang sabi ng ilang readers ng Abante News Online:

“Magpa DNA ka muna bago ka mag filingera at bigay payo. kapal.”

“Siguro… bigyan mo nalang ng time kung paano ka magiging artista at singer… maraming paraan andiyan yung mga kaibigan ng father mo.. iyun nalang muna siguro.. wag mo muna saktan yung damdamin ng mga kapatid mo at legal na asawa.. hayaan mo sila yung kusang lumapit sayo.. sa magandang panahon.”

“Pakabait ka lang, in the right time matanggap ka nila pag lukso ng dugo agad yan mag gel na mo.”

Source: TNT

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments