Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsP200K pabuya sa makapagtuturo sa killers ng pangulo ng mga vendor sa...

P200K pabuya sa makapagtuturo sa killers ng pangulo ng mga vendor sa Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Magbibigay ng P200,000 na pabuya ang city government ng Malolos para sa makapagtuturo sa mga suspek na pumatay sa isang opisyal ng vendors association sa nasabing lungsod.

Ayon sa butihing mayor ng lungsod na si Atty. Christian D. Natividad, naglaan umano ng halagang P200,000 libong piso sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon o makakahuli sa mga taong nasa likod ng insidente ng pagnanakaw at pagpatay kay Manolito Manahan y Marasigan, 55 anyos, Huwebes ng umaga sa Pamilihang Lungsod sa Brgy. San Vicente.

Si Manahan ay binaril ng malapitan sa ulo at ibang bahagi ng katawan ng isa sa dalawang gunmen bandang alas 9:15 ng umaga,

Ang biktima ay kilalang supplier ng sibuyas at bawang sa nabanggit na pamilihan syudad ng Malolos.

Ang dalawang gunmen na nakasuot ng dilaw at kulay asul na damit ay una nang nakapuwesto sa gawing likuran ng biktima at agad na pinaputukan ito sa ulo gamit ang kalibre 45 na baril.

Nabatid na nang agaw pa ng MIO motorcycle na may plakang CAI 18609 ang mga suspek upang mabilis na makalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, love triangle di umano ang sanhi ng pagpatay sa biktima dahil isang araw bago barilin ang biktima sinabi nito sa kanyang kapatid na anumang oras maaaring may pumatay sa kanya.

Kaugnay nito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ng Malolos police upang matukoy at madakip ang mga suspek.

Narekober na rin ng pulisya ang kulay dilaw na motorsiklo na inabandona ng mga suspek sa isang lugar kung saan umano naghihintay ang kanilang get-away vehicle.

Maaaring ipagbigay alam ng personal o itawag sa Malolos City Police Station para sa agarang aksyon na magiging susi sa pagkadakip ng mga salarin upang mabigyan ng hustisya at pagbayarin sa kanilang ginawang krimen. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments