Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsLamang ang ayaw na maging HUC ang SJDM

Lamang ang ayaw na maging HUC ang SJDM

LUNGSOD NG MALOLOS — Lamang ang ayaw o hindi pa handa ang mga taga-Bulacan na maging Highly Urbanized City (HUC) ang City of San Jose Del Monte (CSJDM) dahil halos umabot sa 100 libong boto ang NO.

Ang plebisito para sa posibleng ratipikasyon ng Lungsod ng San Jose del Monte noong Lunes (Oct. 30) kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), mula sa kabuuang 490,719 na boto, 294,755 na boto ang laban sa nasabing conversion habang 195,964 na boto ang pabor dito mula sa partial at unofficial count na inilabas ng Commission of Elections (COMELEC).

Hindi pa dumarating ang kabuuang boto mula sa lungsod ng Baliwag at sa mga bayan ng Balagtas at Angat habang isinusulat ito.

Batay sa nasabing ulat, tanging ang bayan ng San Ildefonso at ang Lungsod ng San Jose del Monte lamang ang pumabor sa nasabing conversion.

Ipinaalam ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang kanyang paninindigan sa isyu.

Sa opisyal na pahayag ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando sa kanyang social media page, sinabi niya na gusto niyang magdesisyon ang mamamayan sa ilalim ng prinsipyo ng demokrasya ngunit hindi siya nasisiyahan at nabigo sa hakbang ng CSJDM na ganap na humiwalay sa lalawigan.

“Walang tatay na matutuwa kung magkakahiwalay ang anak niya. Ito ay masakit sa akin. Ang aking panalangin at hangarin ay ang Bulacan ay laging magkaisa bilang isa,” ani Fernando.

“Mula Noon Pa Man ay Aking Sinabi. Hayaan ang mga tao na magpasya. Sapagkat ito ang diwa ng demokrasya. Alamin ang mga isyu, pagkatapos ay makipag-away nang matalino. “patungkol sa mga katanungan kung ano ang aking panig sa mungkahing paghiwalay ng CSJDM sa lalawigan ng Bulacan, ito ang aking masasabi” Walang ama na magiging masaya kapag nawalay amg anak. Ito ay masakit para sa akin. Dalangin ko sa tuwina ay Isang Sambayanang Bulakenyong Buo at Nagkakaisa,” dagdag ni Fernando.

Isang araw bago ang halalan, nagpahayag din ng pagtutol ang dalawang dating gobernador na sina Roberto Pagdanganan, at Wilhelmino Sy-Alvarado at mariing itinulak ang “One Bulacan” na tulak at patakarang sinimulan nila sa Kapitolyo at sa buong lalawigan noong panahon nila.

“Ang Bulacan ay Number One. Bulacan should saty as one . Walang maiiwanan,” Pagdanganan said.

“Hindi natin hahayaang malusaw ang lalawigan ng Bulacan,” Alvarado said in his Facebook account.

Taong 2020 nang magpalabas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Proclamation 1057 na nagdedeklara sa lungsod ng San Jose Del Monte bilang Highly-Urbanized City. Pumasa ito sa pamantayang itinakda ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng populasyon na 760 thousand na higit sa doble ng kinakailangang 200 thousand na populasyon. Nagagawa ng lungsod ng San Jose Del Monte na maglaan ng kita na P1 bilyon na malayo sa kinakailangan na P50 milyon taun-taon.

Ang CSJDM ay idineklara bilang isang component city noong Setyembre 10, 2000, sa bisa ng RA 8797. Ito ang pinakamalaking bayan sa buong lalawigan ng Bulacan sa mga tuntunin ng lawak ng lupa at populasyon.

Tinaguriang “Balcony of the Metropolis”, ito ang unang lungsod sa lalawigan at naitala bilang ika-86 na lungsod ng Pilipinas. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments