Tuesday, July 9, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNews‘Gamitin ang pera sa matalinong paggastos’ -- Gov. Fernando

‘Gamitin ang pera sa matalinong paggastos’ — Gov. Fernando

“KAYA po kami nandito ay para makapagbigay ng tulong sa bawat isa sa inyo. Nawa ay gamitin ito sa maayos na pamamaraan. Sana ay makatulong ito sa inyo, gamitin ninyo ito sa matalinong paggastos.

‘Yung iba ay gamitin ninyo sa pagnenegosyo at sa pang-araw-araw na pangangailangan,” ito ang wika ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando, ng kanyang pangunahan ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 Bulakenyo, sa isinagawang “Pamamahagi ng Cash Assistance (Emergency Cash Transfer) sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang hakbang at makabuluhang pagpapasya mula sa ating Pamahalaan na mabigyan ng tulong ang ating mga kababayang nasalanta ng bagyong nabanggit.

Batay sa ulat, ang nasabing tulong pinansyal ay nagmula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at sa Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian. Nawa ay tuloy tuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan nito. Mabuhay po ang mga lider natin!


Sayang nas pagkakataon?

Narito naman ang natanggap nating ulat-opinyon mula kay G. Vic Ole, mula sa Canlubang, Calamba, Laguna, basahin po natin: Masasabing Isang kabiguan o nakapanghihinayang na pagkakataon na dapat sana’y katuparan na ng isang nanalong kandidato sa nakaraang barangay election ang makapag-lingkod sa kanyang mga kababayan o komunidad, ngunit nagkaroon ng hadlang para sa ilang kadahilanan.

Ganito ang sinapit ng nanalong kandidato sa pagka- punong barangay, at sa ilang nanalong konsehales nito sa barangay Canlubang dito sa bayan ng Calamba, Laguna.

Ito ay ng makatanggap sila ng memorandum mula sa COMELEC sa bisa ng Implementation of Minute Resolution no. 23-0730, na humahadlang sa kanilang proclamation dahil sa kanilang paglabag diumano sa General Guidelines from Rules and Regulation for the October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan election.

Ito ay ang paglabag nila sa “early campaign” na isa sa mga ipinagbabawal ng COMELEC sa kanilang guidelines. Dahil dito ay hindi muna mapo-proklama ang kanilang pagkapanalo sa nasabing nakaraang barangay election at hindi pa rin babasahin ng COMELEC ang kanilang mga nakuhang boto na pending pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Ang nasabing nanalong kandidato sa pagka- punong barangay ay si re-electionist Barangay Captain Larry Dimayuga at 4 pa umanong konsehales nito na diumano ay pending pa rin ang kanilang proclamation.

Samantala, nagsadya tayo sa mismong Brgy. Hall ng Canlubang upang kumuha ng impormasyon o update hinggil sa nasabing isyu at pagkaantala ng proclamation, subalit hindi sila nagbigay ng anumang pahayag tungkol sa nasabing isyu na labis naman nating iginagalang ang kanilang karapatan. – Ulat ni Vic ole

Tsk! Tsk! Tsk! Sa isang banda mabuti at may COMELEC na nagbabantay, upang masiguro na maging patas at malinis ang isang halalan. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments