Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBagong SK Federation president ng Malolos, nahalal na

Bagong SK Federation president ng Malolos, nahalal na

LUNGSOD NG MALOLOS — Nahalal at agad na nanumpa kay City Mayor Christian D. Natividad ang bagong SK Federation President ng naturang lungsod na si Rian Maclyn L. Dela Cruz.

Si Dela Cruz na mula sa Barangay Lugam ay nagwagi laban kay Vince Caparas ng Brgy Look 1st, Aaron Vincekyle Bernardo ng Brgy Longos at Curt Gerard C. Kliatchko ng Brgy San Agustin.

Ang bagong halal na SK President kasama ang mga opisyales nito ay magsisimulang manungkulan sa ika- 20 ng Nobyembre 2023.

Kung matatandaan, lahat ng mga nanalong SK officials ay sumailalim sa mandatory training na pinangunahan ng Department of Interior and Local Government at ng Local Youth Development Council. Ito ay upang maihanda at epektibo nilang maisagawa ang kani-kanilang mga tungkulin bilang lingkod bayan.

Ang naturang programa ay dinaluhan ni Mayor Christian D. Natividad, mga opisyales ng DILG na sina LGOO II Patricia Mariel L. Danganan at LGOO VI Digna A. Enriquez, mga opisyales ng Commission on Elections, City Administrator Joel Eugenio. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments