Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMahigit 200 magsasaka at mangingisda lumahok sa AEW Summit 2023 sa Bulacan

Mahigit 200 magsasaka at mangingisda lumahok sa AEW Summit 2023 sa Bulacan

PULILAN, Bulacan — Mahigit 200 magsasaka at mangingisdang Bulakenyo ang nakaiisa “Agricultural Extension Workers (AEW) Summit 2023” na ginanap sa Merryland Integrated Farm and Training Center sa Barangay Taal sa naturang bayan noong Martes (Nov. 14).

Ang nabanggit na farmers’ summit ay itinatag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alexis C. Castro at pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAO) sa ilalim ng pamumuno ni Gloria SF. Carillo at mga municipal agriculturists sa lalawigan.

Ayon kay Carillo na ang summit, na may temang “Dynamic Resilient Farming: Agriculture in the Age of Climate Transformation,” ay naglalayong pataasin ang antas ng kamalayan ng mga manggagawa sa agrikultura at palawakin ang kanilang kaalaman sa industriya ng pagsasaka at pangingisda.

Tinalakay ng mga eksperto sa agrikultura sa summit ang Programs and Projects for Enhanced Agricultural Extension, Programs and Projects for Supporting Fisheries Extension, Provincial Agriculture and Fisheries Extension System, Challenges and Opportunities on Agricultural Extension, at Ways Forward on Effective Agriculture and Fisheries Extension.

Pinasalamatan at kinilala ni Bise Gobernador Castro, ang naging panauhing pandangal at taga-pagsalita ang mga magsasaka at mangingisda ng Bulakenyo, gayundin ang mga tanggapang pang-agrikultura ng lungsod at munisipalidad sa Bulacan.

“Maraming salamat po, dahil sa inyong pagsisikap ay nabigyan ninyo ng pag-asa ang lalawigan ng Bulacan, bagama’t may mga balakid sa industriyang ito ay patuloy pa rin ang ating pagsulong,” ani Castro.

Idinagdag pa ng bise gobernador ng Bulacan na hindi sila titigil ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagbibigay ng oras at tulong sa mga Bulakenyong gustong sumuporta sa kanilang pagpupursige para mapabuti ang industriya ng agrikultura sa lalawigan. (UnliNews Online

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments