Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionTaal National High School, kumusta ka na ba?

Taal National High School, kumusta ka na ba?

MAY prinsipal ba ang Taal National High School na nasa bayan ng Bocaue? Kung meron man ano kaya ang pinaggagawa nito sa paaralan na kanyang pinamumunuan?

Bakit napakasukal o napaka-damo ng kapaligiran na tila wala siyang pakiaalam kung masukal ang buong paligid ng paaralan na di magtataka na baka inaahas na ang naturang eskwelahan dahil sa makapal na damo at maging ang comfort room ay mas marami pang sira. Paano na kalagayan ng kalusugan ng mga libo-libong estudyante kung dugyot ang CR sa paaralan.

Paano ba mapapatino ang naturang kapaligiran kung walang pakiaalam ang prinsipal dahil mas madalas na wala siya sa naturang paaralan.

Aba! Kung anoman ang kanyang dahilan kung bakit lagi siyang wala ay dapat na ipaubaya nalang niya sa ibang prinsipal na makapagpapaganda ng palakad sa Taal National High School na may respeto sa damdamin ng mga guro na nakukuhang pagtaasan ng boses.

Ano ba dahilan at wala man lang maipaayos na CR at magpalinis ng paligid ng paaralan? Hindi ba malaki ang MOOE ng paaralan na may P300K kada buwan saan-saan ba napupunta ang halagang P300K?

May tamang liquidation ba o reports kung saan napupunta ang malaking halaga ng MOOE at saan napupunta ang P700 na renta araw-araw ng nagtitinda ng shakes sa loob ng paaralan at saan napupunta ang kinikita ng canteen? At bakit nagpapa-renta sa loob mismo ng paaralan? Hindi ba malinaw na bawal din ang ganung pagpapa-renta dahil hindi pag-aari ng prinsipal ang paaralan.

Nananawagan tayo Kay Division Superintendent Norma P. Esteban EdD CESO, V., ASDS Cecile Valderama, DepEd R3 Director Dr. May Batenga Eclar, Ph.D. at COA na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa Taal National High School upang maging maayos ang naturang paaralan dahil sa malaking kapabayaan ng Prinsipal sa naturang paaralan na laging walang bidding sa anumang supply sa paaralan. Dahil pinagmamalaki nitong Prinsipal na napakalakas niya sa opisyal ng DepEd kaya hindi siya matitinag sa naturang paaralan ng Taal National High School.

Nananawagan din ang Striker News TV sa buong pamunuuan ng Parents Teachers Association ng Taal National High School na maging mulat kayo sa pangit na nangyayari sa paaralan ng inyong mga anak. (UnliNews Online)

Louie C. Angeles
Louie C. Angeleshttp://unlinews.org
LUISITO “Louie” C. Angeles is a news reporter for DWIZ 882 AM and also an anchorman of Serbisyo, Trabaho sa Radyo @ 09.3 FM Radyo Bandera Central Luzon. Louie is also a columnist reporter for REKTA Balita and The Central Chronicle and a former radio reporter for DWIZ, DZRB, and DZRV Radio Veritas. Born and raised in Bocaue, Bulacan, Louie is currently the national president of the PAPER.Ph -- Prime Alliance of Publishers, Editors and Reporters Inc.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments