Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMga gawaing magtataas sa kamalayan sa karapatan ng mga bata, isasagawa sa...

Mga gawaing magtataas sa kamalayan sa karapatan ng mga bata, isasagawa sa pagdiriwang ng NCM

LUNGSOD NG MALOLOS — Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) ngayong buwan ng Nobyembre sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing magtataas sa kamalayan hinggil sa karapatan ng mga bata sa probinsiya.

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) head Rowena J. Tiongson, ang nasabing pagdiriwang ay may nakaakibat na temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!”, ay naghanda muli ng iba’t ibang aktibidad ang PSWDO sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Council for the Welfare of Children at Office of the President National Youth Commission.

Inilahad pa ni Tiongson na kabilang sa mga aktibidad sa buong buwan na selebrasyon ang “Ngiti Mo, Sagot Namin” Free Harelip and Clef Palate Operation for the Bulakenyos Year 20 na gaganapin sa Baliwag District Hospital sa Disyembre 1 para sa post operation, Social Media Campaign sa pamamagitan ng paggamit ng 2023 NCM photo frame sa Facebook, Instagram, at X bilang profile picture, BluekadaBiyernes Campaign na humihimok sa mga Bulakenyo na magsuot ng kulay asul na kasuotan tuwing Biyernes ng Nobyembre upang ipakita ang suporta para sa isang buwang selebrasyon, gayundin, ang makuhanan ng larawan at mai-post at mai-tag o mabanggit ang Council for the Welfare of Children Facebook Page at PSWDO Bulacan at pagkatapos ay gamitin ang hashtag na #BlueKadaBiyernes sa caption sa social media. Tinatawagan rin ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata nag awing kulay asul ang social media kaugnay ng pagdiriwang ng kagalakan, kainosentehan at potensyal ng mga bata.

Dagdag pa rito, hinihiling na bigkasin ang “Panatang Makabata” at maging bahagi ito ng 31st NCM at tuwing lingguhang pagtataas ng watawat.

Gaganapin rin ang Pass-A-Book Project na nag-iimbita ng donor ng academic textbooks para sa English, Science, Filipino, Math at History mula Kinder hanggang Grade 12 gayundin ang Literary textbooks (story books), Encyclopedia, Almanac, Dictionary at mga materyales sa pag-aaral tulad ng kuwaderno, pad paper, plastic envelope na may hawakan, at lapis.

Hinihikayat naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyong magulang at tagapag-alaga na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa apat na pangunahing karapatan ng mga bata kabilang ang kaligtasan ng buhay, pag-unlad, proteksyon at pakikilahok.

“We should cover a child’s right to live and be provided with basic needs including food, shelter and appropriate living conditions, medical care, education, leisure, access to cultural activities, information, and freedom of opinion, conscience, and religion,” anang gobernador.

“Sabay-sabay ding isasagawa ang mga espesyal na pagdiriwang para sa mga bata sa mga lungsod/munisipalidad/barangay na lebel kung saan sa unang linggo ng Nobyembre ay para sa kaligtasan ng buhay (survival), ikalawang lingo para sa karapatan sa pag-unlad (development rights) at sa ikaapat na lingo ang pag-obserba sa Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week,” ani Tiongson.

Dagdag pa nito na magsasagawa din ng pagpili ng kinatawan ng probinsiya sa Regional Children’s Congress sa Nobyembre 21 habang gaganapin ang Regional Children’s Congress sa SM City Pampanga sa Nobyembre 24, Provincial Children’s Month Celebration sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Nobyembre 25 kung saan magkakaroon ng State of Children’s Address (SOCA), Orientation on RA 10821 – “Children’s Emergency Relief and Protection Act”, Basic Sign Language to ECCD Service Providers at Comprehensive Emergency Program for Children at Brief Orientation sa mga tungkulin at responsibilidad ng Child Representative. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments