Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsEagle Award iginawad sa Pandi PNP; Advisory Group sa Bulacan, pinahalagahan

Eagle Award iginawad sa Pandi PNP; Advisory Group sa Bulacan, pinahalagahan

MAAYOS na naidaos ang programang Conferment and Awarding Ceremony of PGS Proficiency Stage to CPS/MPS and PMFCs, ng Philippine National Police (PNP,) na ginanap sa Camp Gen. Alejo S. Santos, Malolos City, Bulacan, umaga ng ika-22 ng Nobyembre, 2023.

Ipinakilala ni P/Col Relly B. Arnedo, Bulacan Police Provincial Director, ang panauhing pandangal na si P/BGen. Enrico H. Vargas, DRDA/Chairman, TWG, PRO3, kung saan siya ay nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ng GOHS.

Pinuri din ni Vargas ang mahalagang kontribusyon ng PNP Advisory Group para sa kapakanan ng pulisya, na malaki ang naitutulong sa pagtukoy ng mga ‘gaps’ at pagbibigay ng payo sa pagbuo ng mga hakbangin na dapat punan.

Sa nasabing okasyon, 13 Police stations sa Lalawigan ng Bulacan ang ginawaran ng prestihiyosong Gold Eagle Award and Seal of Proficiency habang 12 Police Stations ang tumanggap ng Silver Eagle Award and Seal of Proficiency.

Isa sa napagkalooban ng Silver Eagle Award ay ang Pandi Municipal Police Station, dahil sa walang patid na suporta sa epektibong pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O. L. Plan 2030, para sa pagkamit ng mataas na kakayahan, epektibo at kapani-paniwalang serbisyo ng pulisya, na may mahusay na rating na 90.07% , sa panahon ng proseso ng Pagsusuri ng kahusayan.

Makikita sa larawan na tinatanggap ni G.Vic Billones III, Journalist, ang Sertipiko ng Pagpapahalaga, sa ngalan ng PANDI MPS ADVISORY GROUP for Police Transformation and Development, mula kay P/BGen. Enrico H. Vargas. Makikita rin sa larawan sina P/Col Relly Arnedo, Dr. Eliseo Dela Cruz, P/Lt. Col Rey Apolonio, Patrolman Jay March Teh Rivera, Pandi PS at iba pang Opisyales ng Pulisya.

Ginawaran din ng Sertipiko ng Pagpapahalaga ang PANDI MPS ADVISORY GROUP, bilang pasasalamat at pagkilala sa patuloy na suporta nito at hindi natitinag na dedikasyon, mga pangako sa epektibong pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O. L. Plan 2030, sa panahon ng pagsasagawa ng Performance and Governance System Proficiency Stage.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan din nila P/Lt. Col Jacquiline Puapo, DPDA/Chairman, TWG, Bulacan PPO, Dr. Eliseo S. Dela Cruz, Chairperson ng The Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD,) P/ Lt. Col Rey Apolonio, Pandi Chief of Police, iba pang Hepe ng Pulisya at miyembro ng PNP, Bulacan at mga kasapi ng PNP Advisory Group sa nasabing Lalawigan. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments