Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeLETTER TO THE EDITORNBI raid sa E-Sabong sa Bulacan nagpatimbre lang kay Dose?

NBI raid sa E-Sabong sa Bulacan nagpatimbre lang kay Dose?

Ni Jun David

TINATAWAGAN natin ng pansin si NBI chief Medardo de Lemos dahil sa hindi magandang balita na kumakalat sa lalawigan ng Bulacan hinggil sa illegal na e-sabong.

Nakatimbre na umano ngayon ang sindikato ng gambling lord na si Dose sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nagsimula ito matapos salakayin ang iba’t ibang illegal na sabong online sa mga bayan ng Sta. Maria, Malolos at Balagtas, Bulacan kung saan ay isang alyas Konsehal Wowie pa ang nahuli mismo ng mga operatiba ng NBI.

Halos isang buwan na ang nakalilipas, sa halip na matigil na nang tuluyan ang illegal na sabong online ay lalo pang naging talamak ito sa buong lalawigan ng Bulacan.

Katunayan, nadagdagan pa ang puwesto ng illegal na e-sabong at ito ay ang Baliwag Circle Cockpit Arena sa Baliwag, Bulacan kung saan ay isang kapitan at konsehal pa ang may-ari.

Gayundin sa Plaridel Coliseum sa Banga, Plaridel na isa ring konsehal ang maintainer ng illegal na pasugalan.

Gayundin sa Edwins Coliseum na ang may-ari ay isang alyas Rolando ng San Jose del Monte, Bulacan.

Nauna na nating sinabi na lantaran ang illegal na sabong online sa Malolos Cockpit Old Arena, Sta. Maria Square Cockpit Coliseum, Balagtas Cockpit Arena. Clint Eryx Cockpit Arena sa bayan ng Balagtas na minamantine ng isang alyas Erwin.

Gayundin sa Meycauyan Cockpit Arena, Bgy. Pandayan, Meycauyan, Bulacan at sa bayan ng Bustos, Bulacan, Norzagaray Cockpit Arena na minamantine ng isang alyas Lando at alyas Wowie naman sa Angat Bulacan Coliseum.

Isang alyas Michael Piso ang operator ng illegal e-sabong sa Marilao, gayundin sa mga illegal na sabong online sa Sta. Maria at Guiguinto.

Malolos Cockpit Old Arena, Sta. Maria Square Cockpit Coliseum, Balagtas Cockpit Arena. Clint Eryx Cockpit Arena sa bayan ng Balagtas na minamantine ng isang alyas Erwin.

Gayundin sa Meycauyan Cockpit Arena, Bgy. Pandayan, Meycauyan, Bulacan at sa bayan ng Bustos, Bulacan, Norzagaray Cockpit Arena na minamantine ng isang alyas Lando.

Ang huminto lamang, ayon sa ating source ay ang Angat Bulacan Coliseum dahil dito nahuli sa akto ng NBI si Konsehal Wowie na nagpapataya ng illegal gambling.

Iyong raid naman na ginawa ng grupo ni Lt. Col. Eduardo Guevarra, Jr., acting chief of police ng Marilao, sa New Marilao Coliseum ay sine-set up ang gagawing papaya ng illegal na e-sabong.

Nagtataka rin tayo kung bakit sa kabila ng ginawang NBI raid, walang nangyaring one strike policy para kastiguhin ang pamunuan nina Police Regional Office (PRO) 3 Brig. Gen. Jun Hidalgo, partikular na kay Bulacan police director Col. Relly Arnedo?

Ang akala ko, tuluyan nang maipatutupad ang Executive Order No. 9 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagbabawal sa lahat ng sabong online — illegal o legal man — nang isagawa ng NBI ang raid.

Pero iyon pala ay timbre lamang ang nangyari.

Sinabi ng ating source na ipinagmamalaki ng bagman ni Dose na si J. Datu na ang timbre nila sa NBI ay P1.5 million kada linggo o P6 million kada buwan.

Hindi ko basta papaniwalaan ang impormasyong ito, pero kung ako si Atty. De Lemos, tuluyan ko nang ipasasara ang illegal na sabong online ni Dose.

Dahil nagmumukha lamang basura ang EO No. 9 ni PBBM.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments