Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsAngat Public Market, ginawaran ng ‘Huwarang Palengke 2023’ ng DTI

Angat Public Market, ginawaran ng ‘Huwarang Palengke 2023’ ng DTI

2nd Place Small Market Category

ANGAT, Bulacan — Kamakailan ay nagsagawa ng kumpetisyon sa pinag samang inisyatibo ng Department of Trade and Industry Bulacan Provincial Office (DTI-Bulacan), ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at ng Bulacan Consumer Affairs Council (BCAC), ang paghahanap para sa “Huwarang Palengke” mula malaking palengke at maliit na palengke ay naglalayong itaas at itaguyod ang pagpapaunlad ng mga pampublikong pamilihan sa lalawigan, tinitiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa mga hindi patas na gawi sa kalakalan.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakamit ng Pamilihang Bayan ng Angat sa Huwarang Palengke 2023 ang 2nd Place Small Market Category at ito ay aktuwal na iginawad at tinanggap ng representatib ni Angat Market Master Engr. Lauro DC. Sarmiento na sina Angat Market Supervisor II-Goldilyn D. Santos, Market Staff: Enrico Pascual at Edward De Leon na ginanap sa Kapitolyo ng Bulacan Gymnasium, Lungsod ng Malolos.

Ipinagkaloob ang mga parangal na “Huwarang Palengke” sa tatlong malalaking palengke at tatlong maliliit na palengke sa Bulacan na sumunod sa mataas na pamantayan ng kalinisan, kaligtasan, pagpapanatili at pagsunod. sa mga regulasyon ng gobyerno.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakamit ng Pamilihang Bayan ng Angat sa Huwarang Palengke 2023 ang 2nd Place Small Market Category

Sinabi ni Market Master Engr. Lauro ito ay kanilang napagtagumpayan sa tiwala at superbisyon ng kanilang butihing punong bayan na si Mayor Reynante “Jowar” Bautista, aniya nais lamang ni Mayor Jowar na maging pantay-pantay ang lahat at ‘di na gaya ng mga panahong nagdaan na may nagbabayad ng pwesto at meron hindi. At ang pagbabayad ng business permit ay sinusunod nila kung ano ang market code.

Hindi lamang ang mga stall rentals ang kanilang pinapahalagahan maging ang kapakanan at karapatan ng mga mamimili kung kaya’t madalas silang nagsasagawa ng surprise inspection sa mga timbangan na ginagamit ng mga tindera kung may daya ba ito at timitiyak na ito ay sakto. Kanila rin binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin kung ibinibenta ba sa tamang presyo o labis. Maging ang kalinisan sa bawat pasilidad ng pamilihang bayan at kaligtasan ng lahat sa pamilihang bayan kung kaya’t 24/7 ang kanilang pagmonitor sa cctv at pagtatalaga ng marshall security.

Ipinagbabawal din nila ang paglalatag ng mga paninda sa bangketa o side walk upang di makasikip sa mga pasilyo bilang pagsunod sa kautusan ng DILG. Bunsod nito ay binigyan daan naman nila ang pagdaraos ng araw ng tiyangge tuwing araw ng linggo mula alas tres ng madaling araw hanggang alas dose ng tanghali.

Pinuri naman at pinasalamat ni Mayor Jowar ang buong pamunuan ng kanilang public market dahil sa inuwing karangalan na isa na namang maipagmamalaki ng Bayan ng Angat.

Ayon kay Mayor Jowar at market master Engr. Lauro nakatakdang ipagawa ang kanilang palengke sa sususunod na taon sa may bahagi ng phase 2 at magkaroon ng karagdagang espasyo ang ikalawang palapag nito. Isa lamang ito sa tuloy- tuloy na pagbangon at pagyabong, sa Bagong Angat abot kamay na ang Asenso at Reporma. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments