LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Hindi dapat pabayaan ang pangangalaga sa kapaligiran kaya naman nagsumite ang mga barangay na nakilahok sa 22nd Gawad Galing Barangay ng mga entries na nagsusulong sa pangangalaga hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa kalikasan.
Limang outstanding barangays ang napili at ginawaran ng Natatanging Gawaing Pambarangay kasama ang “Barangay Tarcan! Sagip Kalikasan #TodoTodongKitaNgMamamayan” of Tarcan, City of Baliwag; “Bantay/Linis Sapa Program of Lolomboy, Bocaue; “Community Garden/Gulayan Sa Barangay (Balai Luntian)” of Bulihan, Plaridel; “MRF Noon, MRF Ngayon, Mala-Paraiso Sa Tanawin” of Caingin, City of Malolos; at “Pagtalima sa Responsableng Pamamahala sa Basura” ng San Isidro II, Paombong. Nakatanggap ang bawat isa ng P200,000 at plaque of recognition.
Gayundin, “Kalusugan ay Kayamanan, Haligi ng Pamayanan” of Loma de Gato, Marilao; “Bayanihan sa Kalinisan Tulay Tungo sa Magandang Kinabukasan” ng Bagong Nayon, Lungsod ng Baliwag; and “Luntiang Kapaligiran, Mag-recycle para sa Kalikasanng Tambubong, San Rafael ay nabigyan ng Trailblazer Award at nakatanggap ng P50,000 bawat isa at plaque of recognition.
Bukod dito, ang Brgy. Si Kapitan Ariel F. Cabingao mula sa Tarcan, Baliwag ay pinarangalan bilang Natatanging Punong Barangay at nag-uwi ng P50,000 at plaque of recognition; Eric A. Caratao ng Pinaod, San Ildefonso para sa Natatanging Kagawad ng Barangay; Barangay Secretary Jessie P. Gata ng Balatong A, Pulilan bilang Natatanging Kalihim; at Jovito DJ. Calalang ng Panducot, Calumpit para sa Natatanging Ingat-Yaman. Nakatanggap sila ng tig-P20,000 at plaque of recognition.
Para sa Natatanging Volunteer Workers, ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod: Jenalyn A. Serdeña ng Caingin, Lungsod ng Meycauayan – Natatanging Mother Leader; Imelda V. Lopez ng San Jose, Paombong – Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon; Myrna C. Borata ng Paradise III, City of San Jose Del Monte – Natatanging Barangay Health Worker; at Rosalia A. Ortega ng Pulong Gubat, Guiguinto – Natatanging Barangay Training and Employment Coordinator. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng P20,000 at plaque of recognition.
Samantala, ang Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan (PILAK) ng Bunsuran 1st, Pandi ay pinarangalan bilang Natatanging Volunteer Group at tumanggap ng Hall of Fame Award na may P50,000 at plaque of recognition.
Binigyan din ng certificate of appreciation si Josefa P. Cruz ng Pinagbarilan, City of Baliwag sa pagiging nag-iisang finalist para sa Natatanging Barangay Tanod.
Ang awarding ceremony na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito ay dinaluhan ni Department of National Defense Secretary Gilbert C. Teodoro, Jr. na kinatawan ni USec. Angelito de Leon, Vice Gov. Alexis C. Castro, Cong. Lorna C. Silverio, Obando Mayor Leonardo DC. Valeda, Guiguinto Mayor Agatha Paula A. Cruz, PCOL Relly B. Arnedo ng Bulacan Police Provincial Office at mga Board Members Ramilito B. Capistrano, Cezar L. Mendoza, Romina D. Fermin, Raul Mariano, Renato DL. de Guzman, Jr., Allan Dale DC. Baluyut, Lee Edward V. Nicolas, Romeo V. Castro, Jr., at William R. Villarica.
Sa kanyang mensahe na hatid ni De Leon, hinamon ni Teodoro ang mga dumalo lalo na ang mga nanalo na patuloy na maglingkod para sa ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan at ng lalawigan.
“Isa ang Bulacan sa mga natatanging probinsiya ng Pilipinas bilang tahanan ng unang republika ng Pilipinas at saksi sa mga mahahalagang yugto ng kasaysayan ng ating bansa, malaki ang kontribusyon ng mga Bulakenyo sa ating nakaraan ngunit lalo na sa ating tatahaking kinabukasan. Kaya naman para sa mga nagwagi sa GGB ngayong taon, nawa’y patuloy mong ginamit ang kahusayan, serbisyo, pagtutulungan at pagkakaisa upang mas mapaunlad ang pinakamamahal nating Bulacan. Nawa’y ang parangal na ito ay magiging binhi na sa inyo pang mapauusbong sa mga darating na panahon. Saludo kami sa inyong pagsusumikap na magbigay ng solusyon sa mga suliranin at hamon ng inyong komunidad,” the secretary of defense said.
Ang GGB ay isang proyekto sa ilalim ng Bulacan Awards Program for Barangay Innovation and Excellence (BAPBIE) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office na naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng mga barangay sa pag-unlad ng lalawigan. (UnliNews Online)