Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBayan ng Pandi, ‘nasungkit’ ang prestihiyosong SGLG 2023 award

Bayan ng Pandi, ‘nasungkit’ ang prestihiyosong SGLG 2023 award

PANDI, Bulacan — Pinarangalan sa kauna-unahang pagkakataon ang bayan ng Pandi ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023 mula sa Department of Interior Local Government (DILG).

Kasama ang bayan ng Pandi sa 13 bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan ang tumanggap ng naturang karangalan.

Bukod sa Bulacan Provincial Government, tatanggap din ng SGLG 2023 award ang mga Lungsod ng Baliwag, Meycauayan at San Jose Del Monte. Kabilang din ang mga munisipalidad ng Angat, Balagtas, Bulakan, DRT, Guiguinto, Marilao, Plaridel, Pulilan at Santa Maria.

Ayon kay Mayor Roque, ang paggawad sa ating bayan ng Seal of Good Local Governance National Award para sa taong 2023 ay nagpapatunay sa ating masipag at maayos na pamamahala.

“Ang tagumpay na ito ay hindi lamang sa ating lokal na pamahalaan kundi pati na rin sa bawat mamamayan na nagtutulungan para sa kaunlaran ng ating bayan. Ito ay nagpapakita ng ating dedikasyon sa pagsusumikap, integridad, at tunay na pagbibigay ng #serbisyongmaypusoattalino,” dagdag pa ng alkalde.

Bago gawaran ng parangal, sumailalim ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa national validation para sa The Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 2023 noong Sept. 25.

Ayon sa alkalde, 10 lugar ng pamamahala ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang nagpresenta ng kanilang ulat sa dokumentasyon para sa taong 2023 at kinakailangan makapasa sa 10 Governance Areas na itininakda ng DILG.

Ang 10 Governance Areas na sumailalim sa masusing validation ay ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism and Culture and Arts, at Youth Development.

“Sa mga kawani ng ating lokal na pamahalaan, ang inyong dedikasyon sa magandang pamamahala at serbisyong bayan ay nagpapakita ng ating kolektibong tagumpay” ani Mayor Roque.

Ang SGLG 2023 ay nag-aatas sa mga LGU na ipasa ang lahat ng 10 lugar ng pamamahala — financial administration; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon at pagiging sensitibo; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; pagiging kabaitan sa negosyo at pagiging mapagkumpitensya; kaligtasan, kapayapaan at kaayusan; pamamahala sa kapaligiran; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura at sining; at pag-unlad ng kabataan.

Ang SGLG ay nag-aatas sa mga LGU na ipasa ang lahat ng 10 lugar ng pamamahala — financial administration; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon at pagiging sensitibo; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; pagiging kabaitan sa negosyo at pagiging mapagkumpitensya; kaligtasan, kapayapaan at kaayusan; pamamahala sa kapaligiran; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura at sining; at pag-unlad ng kabataan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments