ANG pinakahihintay na pagkakataon ng mga mamamayan ng ika-6 na Distrito ng Bulacan, na kinakatawan ni Rep. Salvador A. Pleyto, na may pamagat ang “PasCONG Pasasalamat Pamilya Raffle 3″ ang malaking Christmas event ay para sa mga mamayang ng Distrito 6, sa lalawigan ng Bulacan
Tulad ng dapat asahan, mainit na tinanggap ng mga kadistrito ni Cong. Pleyto ang programang Serbisyong kumPleyto… Serbisyong Ramdam Mo! ni Kinatawan “Ka Ador” Pleyto, Isa na namang makabuluhang gawain ang inihanda ng mambabatas upang bigyang kulay at saya ang pagsalubong ng mga mamayang ng Angat, Sta Maria at Norzagaray sa panahong ng Kapaskuhan.
Minsan lamang sa buong taon dumadating ang yuletide season kaya naman hindi hinayaan ni Ka Ador na masayang ang Magandang pagkakataon na maipadama ang kanyang paglingap sa mga mamayang ng ika-6 na Distrito ng Bulacan.
Mayroong mechanics para sa nasabing raffle event. Ang maaari lamang lumahok dito ay ang mga lehitimong residente ng Angat, Sta. Maria at Norzagaray.
Una, i-like and share ang Serbisyong CongPleyto Movement Page at ang Raffle event at ipost sa Facebook at ipadala sa mga FB Friends and Groups tulad ng #PascongPleytoTayo3 Kailangan i-Screenshot ang mga panuntunan biglang patunay ng paglahok
Banggitin ang 25 ang 25 family immediate members, mga kaanak at mga kaibigan sa comment section at sabihin sa kanila ang mga mechanics tulad ng pag-like and share sa page na kung saan ay magsisilbing entry sa isasagawang raffle.
Ang katapusan ng Mentioning at Submission ng entry ay sinimulan nitong December 11, 2023 araw ng Lunes, samantalang ang announcement ng mga nagwagi ay gagawin sa Disyembre 16, 2923 araw ng Sabado sa pamamagitan ng FB live.
Ipinababatid din sa nga kalahok na mag-PM lamang sa Page kalakip ng Screenshot Proof at inyong kumpleytong Pangalan, Barangay, Bayan at Contact number para maisama ang inyong entry.
Kaya magiging masaya ang Pasko para sa mga magwawaging kalahok at doon sa mga hindi papalarin sa major prices ay makakatanggap din naman ng consolation prices kaya lumahok na.
Samantala, kamakailan lang ay isinabay sa kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio November 30 ng taong kasalukuyan ang pamamahagi ng financial assistance sa may 702 indibidwal na pawang mamamayan ng 6th District ng Bulacan. Isinagawa ang gawain sa bayan ng Sta Maria, sa lalawigan ng Bulacan.
Bulacan. Ang mga ito ay ang burial, medical at food assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Santa Maria.
Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin umano ng tuloy-tuloy at malawakang pamamahagi ng tulong para sa mga mamamayan ng ika-6 na Distrito ng Bulacan
Hindi nakadalo si Congressman Pleyto sa nasabing gawain subalit kinatawan siya ng anak na si dating Punong Bayan Russel Guballa Pleyto . “Asahan ninyo na ito ay ating isasakatuparan hanggang sa maabot natin ang mas maraming bilang ng ating mga kababayang mas higit na nangangailangan. Ang mensahe ni Cong Pleyto sa kanyang mga kababayan.” (UnliNews Online)