GUIGUINTO, Bulacan — Muling tatanggap ng karangalan ang Pamahalaang Bayan ng Guiguinto para sa kanilang ika-6 na Seal of Good Local Governance (SGLG) award mula sa Department of Interior Local Government (DILG).
Ang prestihiyosong SGLG ay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal, matapos na mapabilang sa 493 LGU award recipients para sa taong 2023 ang Guiguinto.
Nasa 84 LGUs mula sa Central Luzon ang nakasama rin sa listahan ng mga pasado at angat sa mga pamantayan ng SGLG.
Bukod sa Bulacan Provincial Government, tatanggap din ng SGLG 2023 award ang mga Lungsod ng Baliwag, Meycauayan at San Jose Del Monte. Kabilang din ang mga munisipalidad ng Angat, Balagtas, Bulakan, DRT, Pandi, Marilao, Plaridel, Pulilan at Santa Maria.
Kabilang sa 10 governance areas na naging batayan ng DILG para maging kwalipikado at tatanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023 award ay ang mga sumusunod: Financial Administration and Sustainability Disaster Preparedness Social Protection and Sensitivity Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education Business Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management; Tourism, Heritage Development Culture, and Arts; at Youth Development.
Magaganap ang pagpaparangal sa mga natatanging LGU sa Disyembre 13 at 14. Patuloy pa rin po tayo sa pagsusulong ng Mabuting Pamamahala sa ating bayan na may apat na haliging nag-aangat ng buhay at pamumuhay ng mamamayang Guiguinteño. (UnliNews Online)