Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraCong. Recto, susunod na Secretary of Finance ni PBBM?

Cong. Recto, susunod na Secretary of Finance ni PBBM?

AYON sa ating “reliable source” ay pinagpipilian ni dating senador at ngayon ay congressman ng Lone District ng Lipa na si Ralph Recto sina dating Padre Garcia Mayor Michael Rivera at San Jose, Batangas Mayor Faustino Patron para maging kanyang “manok” sa pagka-gobernador ng Batangas sa darating na eleksyon sa 2025.

Kasabay din nito ay naaamoy ng ALA BIRA na si Cong. Recto ang susunod na magiging Secretary of Finance ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Kung ganito umano ang mangyayari o magiging senaryo, tiyak ang Star For -All Season at dating gobernador ng Batangas na si Vilma Santos Recto ang muling kakandidato sa pagka-congressman ng Lipa City.

Aba, kasado na rin si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan para kumandidato sa pagka-gobernador ng Batangas kahit umano si dating gobernador Vilma Santos-Recto ang kanyang makakalaban. Huh!

Masyadong maaga pa para tuldukan natin ang mga maaaring mangyari sa darating na eleksyon sa 2025 sa probinsya ng Batangas.


Nawawalang beauty queen sa Batangas, mabagal ang usad ng kaso

MUKHANG mabagal ang usad ng kaso ng beauty queen na si Catherine Camillon na taga-Tuy, Batangas. Matagal na ang kaso ng pagkawala nito pero puro “person of interest” pa ang naririnig ng taong bayan.

Pinangalanan na ang isa sa mga suspek na isang opisyal ng PNP na karelasyon diumano ng biktima. Sabagay pulis major ang ranggo ng suspek kaya maghahanap ito ng mga kasama sa hanapbuhay o ka-uniporme na tutulong para mapagaan ang kaso kundi man maabswelto.

SPECIAL TREATMENT na diumano ang nagyayari. Mantakin n’yo na tumugma na ang “sample” ng buhok at dugo ng biktima sa nakuha sa inabandonadang sasakyan na nakita umano ng ilang testigo na doon isinakay ang biktima, ’di pa rin umuusad ang kaso.

Diumano, base sa nakalap na impormasyon ng ALA BIRA ay nagkakaroon na ng takutan sa pamilya. Aba, iba na ito. Hayaan nating makamtan ni Catherine at ng pamilya nito ang tunay na hustisya.


Bookies ng STL sa Calaca, may ‘basbas’ ng isang politiko

PATULOY diumano ang pamamayagpag ng STL BOOKIES sa lungsod Calaca, sa lalawigan ng Batangas dahil sa may basbas umano ito sa isang nanunungkulang halal ng bayan.

Siya diumano ang kapitalista ng naturang iligal na sugal. SANA AKSYUNAN NA ITO NG PCSO. Malaki din ang nawawala sa dapat eh pumasok sa kaban ng PCSO para pandagdag sa mga tulong na ibinibigay ng ahensya sa mga mamamayang nangangailangan.

Hangga’t may mga pulitiko o tao sa gobyenro na kumakandili sa illegal gambling, malabo itong masawata o matigil. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments