Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsDamayang Filipino, nagsagawa ng medical mission sa Hagonoy

Damayang Filipino, nagsagawa ng medical mission sa Hagonoy

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagsagawa ng medical mission ang Damayang Filipino Movement Inc. sa Barangay San Roque sa bayan ng Hagonoy noong Sabado (Dec. 2).

Pinangunahan ang nasabing medical mission ni DFMI Chairperson Ate Tenie R. Bautista kasama si former City Councilor ng Malolos na si Konsehal Kiko Nicolas.

Naging katuwang ng Damayang Filipino ang Sangguniang Barangay ng San Roque, Hagonoy, Kapitan Kenneth Bautista at mga kawani ng nabanggit na barangay.

Naging katuwang ni DFMI Chairperson Ate Tenie R. Bautista si former Malolos City Councilor Kiko Nicolas sa pag-aasikaso sa mga taong nangangailangan ng tulong medical. (DFMI FB page)

Bumati din ang ating DFMI Founder na si Gov. Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng phone patch sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating ibinabang medical mission sa Barangay San Roque.

Maliban sa libreng gamot na ibinibigay, nagsagawa rin ang mga DF doctors ng medical check-up, bunot ng ngipin, silip mata (check up sa mga may problema sa pagtingin), free test sa mga may diabetes at mataas ang sugar at free haircut. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments