Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMga natatanging local gov’t, kinilala sa 4th Quarter Joint Meeting ng PPOC,...

Mga natatanging local gov’t, kinilala sa 4th Quarter Joint Meeting ng PPOC, PADAC at PTF-ELCAC

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Kinilala sa 4th Quarter Joint Meeting ng PPOC (Provincial Peace and Order Council), PADAC (Provincial Anti-Drug Abuse Council) at PTF-ELCAC (Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict) ang mga lokal na pamahalaan sa implementasyon ng peace and order sa naturang probinsya na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Pavillion, Capitol Compound, sa nabanggit na lungsod noong Miyerkules (Dec. 6).

Pinangunahan nila Gobernador Daniel R. Fernando, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at mga kasapi ng PPOC, PADAC at PTF-ELCAC, ang huling pinagsamang pagpupulong.

Sa naturang aktibidad, binigyang pagkilala ang mga pamahalaang lokal na nagkamit ng “high functionality” sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Audit at pumasa sa iba’t-ibang pagtatasa ng Kagawaran na kinabibilangan ng Peace and Order Council (POC) Audit, Local Council for the Protection of Children (LCPC) Audit, at Local Council Against Trafficking- Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) Audit.

Itinanghal din ang mga nagawa at tagumpay ng mga miyembro ng Konseho para sa taong 2023 at ang mga susunod na hakbagin at programa upang mas mapalakas ang kapasidad ng bawat miyembro sa pagpapanatili ng kaligtasan, kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments