Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionHindi raw sulit ang dalawang taong termino sa Barangay

Hindi raw sulit ang dalawang taong termino sa Barangay

DAHIL ay ako ay peryodista at napupuntahan ko ang iba’t ibang bayan at mga siyudad sa lalawigan ng Bulacan, may mga bagitong barangay kagawad akong nakakahuntahan. May kagawad akong tinanong noong ako ay napagawi sa San Jose Del Monte City, at ang aking katanungan ay kung kumporme siya sa dalawang taong termino ng mga halal na opisyal ng barangay.

Ang sabi niya, hindi sulit para sa kanya ang dalawang taong panunungkulan sa barangay bilang kagawad. Dun nga lang daw sa tatlong taon ay bitin pa para sa mga nanunungkulang mga halal sa barangay eh gagawin pa anyang dalawang taon lang. Hindi raw siya kumporme.

Kasi naman ang dapat na nasunod ay ang batas ayon sa ating Konstitusyon na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election ay dapat na isinagawa noong Disyembre 5, 2022. at hindi nitong Oktubre 30, 2023 Pero ang Kongreso ng Pilipinas ay nagpasa ng batas ang Republic Act 11935 ang batas na nagpostponed sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election.

Ito ay sa kabila ng naging ruling ng Korte Suprema na unconstitutional ang RA 11935
Ang nasunod pa rin ay ang nasabing batas at nangyari na ang BSKE ay naidaos nitong Oktubre 30, 2023 Ang tanong nabalewala ba ang nakasaad sa ating Konstitusyon na nag-uutos na gawin ang BSKE noong Disyembre 5, 2022? Ang sagot diyan ay hindi.

Bakit kanyo? Nariyan pa rin ang batas na umiiral at hindi nababago ang nakasaad sa ating Saligang Batas, ang pinakamataas na Korte sa buong Pilipinas. Ang nangyari kasi, pinaboran ang desisyon ng nakararaming mambabatas sa Kongreso ng Pilipinas.

Umiral kasi ang political majority. Kaya hindi na rin marahil iginiit ng mga mahistrado ang pagiging unconstitutional ng RA 11935 dahil sa pagiging praktikalidad at nesesidad at kahandaan ng mga naging punong sa nakaraang BSKE.

Andyan na ‘yan kaya itinuloy na rin ang halalan nitong Oktubre 30, 2023 kaya lang, ibinilang na ang naiwang Isang taon para sa tatlong taong termino ng mga nahalal na mga kapitan at mga kagawad kaya makatuwiran at naaayon sa ating Konstitusyon na dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino ng mga halal na opisyal ng barangay.

At dahil ito ang naaayon sa ating Saligang Batas, na pagkatapos ng two years term ng panunungkulan mga barangay captain, mula November 15, 2023 hanggang 2025 ay muling magsasagawa ng BSKE. Iyon na ang inaasahang mangyayari ang regular na halalang pambarangay ang three years term

Kaya ang mga bagong singkaw na mga kagawad at kapitan ay maikli ang kanilang pagsisilbi sa barangay. Doon naman sa mga incumbents hindi sila masyadong apektado ng dalawang taong termino dahil naranasan naman nila ang limang taong panunungkulan mula 2018

Kaya kayong mga nanunungkulan sa barangay gawin ang dapat na gawin bilang mga lingkod. Huwag ding kalilimutan at pakakatandaan na kayo ay public property. Hiram lang ang inyong taglay na kapangyarihan na ipinagkatiwala sa inyo ng inyong mga kabarangay. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments