Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraPamaskong Handog ng LGU-Calaca, abot-kamay na pahirap!

Pamaskong Handog ng LGU-Calaca, abot-kamay na pahirap!

NAKASAMA ang inyong lingkod sa listahan ng tatanggap sa pamaskong handog mula sa LGU-Calaca pero hindi ko nakuha ang para sa akin. Hehehe.

Aba, napakaraming istasyon bago mo makuha o marami pang mekos mekos na dadaanan bago mo makuha ang kakarampot na papasko ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca. Kakarampot para sa mga residente. Ang mga opisyal kaya ng Calaca, ang mga halal ng bayan, KAKARAMPOT din kaya.

Napansin ko na ilang delata lang at malaking KALENDARYO na may picture ni Calaca Mayor Nas Ona ang laman ng pamasakong handog. Hahaha. Mawala na ang ayuda wag lang ang litrato.

Masyadong pinahirapan pa ang residente ng Calaca City. Kung maayos ba at may kaakibat na pagmamahal ang pamaskong handog na ’yan, hindi na sana pinahirapan pa ang mamamayan.

Kung maganda ang hangarin nila at walang kaakibat na talumpati sana ay pinagbibigay na lang sa bawat barangay ang naturang pamsakong hnadog ng sa ganun ay ang barangay na lang siyang mamahagi nito. HINDI NA NAHIRAPAN PA ANG MGA TAO. HINDI NA GUMASTOS NG PAMASAHE NA BAON NA SANA NG MGA ANAK NA NAG-AARAL.

Pati ang mga senior citizens na may dinadalang karamdaman ay kasama din sa pila makakuha lang ng kakarampot na pamaskong handog kuno. KAILANGANG KAILANGAN NG MGA TAO KAYA PAWIS AT GUTOM KAPALIT NG KAKARAMPOT NA BIYAYA… NAKUPOOOO.

Ang pinakamaganda lAng naman ginawa ng LGU-CALACA noong magbigay ng financial assistance sa mga residente para pambili ng gamot at maintenance ng taong may dinadalang karamdaman.lalo na ang mga senior citizens. IYAN ANG ULITIN NINYO, HINDI ANG PAMASKONG PINAHIRAPAN ANG MGA TAO!


Pagkawala ni Catherine Camillo, wala pa ring linaw!

MATAGAL-tagal na rin ang kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camillo ng Tuy, Batangas pero wala pa rin umanong linaw.

Ginawa na lahat ng pamilya para makamit nila ang hustisya, nagpa-TULFO na rin pero talagang mailap sa kanila ng hustisya. KAILAN KAYA NILA MAKAKAMTAN ANG LIWANAG NG HUSTISYANG PINAPANGARAP?


Nangangamoy na ang pulitika sa Batangas

AYON sa isang tawag ng ating reader na nagpakilalang leader ni San Jose Mayor Valentino Patron, marami silang nakausap ko sa isang event sa Lipa City at siya na mismo ang napupusuang manukin ng dating senador at Congressman ng Lone District ng Lipa City na si Ralph Recto laban kay Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manlo Ilagan.

Ayon sa reliable source parehong wala ng atrasan ang dalawa. Mukhang walang panlaban ang First District ng Batangas ah. Sabagay matagal pa at mahaba pang preparasyon.

Mukhang tumigil na ang mga APACIBLE. Sa nakikita ko mukhang malakas din si dating congresswoman Eileen Ermita for Vice Governor ng Batangas.

Bakit hindi subukan. Mabait na tao itong si Eileen Ermita, kahit lumaking mayaman ay makamasa talaga ang ugali. Hindi katulad ng ilang pulitiko diyan na mabait lang dahil sa adhikain na may kapalit, ika nga. ABA MAY KILALA AKONG GANYAN. Hehehe. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments