Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBayan ng Angat, ginawaran ng SGLG ng DILG

Bayan ng Angat, ginawaran ng SGLG ng DILG

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nakatanggap sa unang pagkakataon ang bayan ng Angat ng Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal noong Huwebes (Dec. 14) sa Manila Hotel.

Sinabi ni Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista na pumasa sa pagsusuri ng kagawaran ang mga innovations at transparency policies ng lokal na pamahalaan bunsod ng matapat at mabilis na serbisyo ng lokal na pamahalaan sa kabila ng kanyang unang taon na panunungkulan bilang alkalde.

Ani Bautista, ang nasabing parangal ay hindi matatamasa ng bayan ng Angat kung wala ang masipag at masigasig na suporta ng mga opisyal, kawani ng lokal na pamahalaan at ang mamamayan nito.

Si Angat Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista at kabiyak na si Lesslie ng tanggapin ang prestihiyosong parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Huwebes (Dec. 14, 2023) sa Manila Hotel.

Kalakip ng parangal na ito ay tatangap ng halagang P1,800,000 milyon ang bayan ng Angat bilang incentive fund subsidy.

“Ang ating nakamit na parangal ay isang tagumpay para sa mamamayan ng Angat. Sa atin po lahat ang panalong ito,” pahayag ni Mayor Jowar.

Maliban sa lalawigan ng Bulacan, ang iba pang munisipalidad at lungsod na nagkamit ng prestihiyosong pambansang parangal ay ang mga bayan ng Balagtas, Bulakan, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Marilao, Pandi, Plaridel, Pulilan, Santa Maria at ang Lungsod ng Baliwag.

Upang maging kuwalipikado para sa SGLG award, ang mga LGU ay dapat pumasa sa mga pamantayan sa pagtatasa sa iba’t ibang lugar ng pamamahala kabilang ang pangangasiwa sa pananalapi; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon at pagiging sensitibo; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; pagiging kabaitan sa negosyo at pagiging mapagkumpitensya; kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan; pamamahala sa kapaligiran; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura, at sining; at pag-unlad ng kabataan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments