Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBayan ng Pandi, tinanggap ang kauna-unahang SGLG award ng DILG

Bayan ng Pandi, tinanggap ang kauna-unahang SGLG award ng DILG

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa kauna-unahang pagkakataon, tinanggap ni Mayor Rico Roque ng bayan ng Pandi ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) award na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Dumalo ang mga opisyal ng pamahalaang bayan ng Pandi sa pangunguna ni Roque at Vice Mayor Lui Sebastain sa 2023 Seal of Good Local Governance National Awarding na ginanap sa Manila Hotel, lungsod ng Maynila noong Thursday (Dec. 14).

Ayon sa alkalde, isang pangarap na naman ang nabigyan ng katuparan sa bayan ng pandi. Mga ka-Pandieño, natanggap po natin ang kauna-unahang SGLG Award para sa ating mahal na bayan! Ito ay bunga ng ibayong sipag, pagtityaga at dedikasyon ng bawat isang kawani ng ating lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Mayor Roque, ang pagbibigay sa bayan ng Pandi ng Seal of Good Local Governance ay hindi lamang isang parangal para sa akin, sa mamamayan at sa bayan, kundi isang patunay na may magandang marararating ang pagtutulungan ng bawat isa.

Kalakip ng parangal na ito ay tatangap ng halagang P1,800,000 milyon ang bayan ng Pandi bilang incentive fund subsidy.

“Sa mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa mga nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor, at higit sa lahat, sa ating mga minamahal na kababayan, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating mahal na bayan. Sa pagtuloy nating pagkakaisa, tiyak na mas marami pang tagumpay ang sa atin ay paparating. Mabuhay po ng bawat isang pandieno! mabuhay ang bayan ng Pandi!…. Kapag MAHUSAY, Sa Pandi PINANDAY”, ani Mayor Roque.

Tumanggap din ng parehas na parangal ang lalawigan ng Bulacan at ang mga bayan ng Balagtas, Bulakan, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Marilao, Plaridel, Pulilan, Santa Maria at ang Lungsod ng Baliwag.

Upang maging kuwalipikado para sa SGLG award, ang mga LGU ay dapat pumasa sa mga pamantayan sa pagtatasa sa iba’t ibang lugar ng pamamahala kabilang ang pangangasiwa sa pananalapi; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon at pagiging sensitibo; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; pagiging kabaitan sa negosyo at pagiging mapagkumpitensya; kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan; pamamahala sa kapaligiran; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura, at sining; at pag-unlad ng kabataan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments