Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsPatuloy na manalig sa Panginoong Diyos!

Patuloy na manalig sa Panginoong Diyos!

DALANGIN ng Katropa sa kapaskuhang ito at pagsapit ng Bagong taon, na ipagkaloob mo sa amin Panginoon ang Espiritu ng tunay na pagmamahalan, ibahagi mo po sa amin ang Inyong karunungang banal, nang sa gayon ay magamit namin sa pangaraw-araw na galaw ng buhay hanggat kami ay may hininga.

Ang Inyong walang hanggang pagmamahal sa sangkatauhan, na ipinadarama ng Inyong Salita at ipinahayag sa iba’t ibang kaparaanan, ay nais naming patuloy na madama at makamit,

Batid naman ng mga nakauunawa, na ang mundo ay hindi kailanman magiging malaya mula sa mga sigalot at salot na sakit, sapagkat sa kakulangan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos, ang mga makasalanan ay patuloy na magdurusa.

Ngunit sa Inyong pamamagitan ang lahat ng sakit, pagdurusa at digmaan ay dagliang maglalaho. Sapagkat sinuman ang patuloy na yumapos sa Inyong Salita ay makadarama ng katiwasayan ng isipan, pagasa at kalayaan mula sa kadiliman.

Kahit hindi araw ng Pasko, ang Salita Ninyo ay tuwirang nakakintal sa aming isipan at gawi, higit sa pagsapit ng inyong kaarawan, sa panahong ito ang lahat ng mga kumikilala at nagmamahal sa Inyo Panginoon, ay nakadarama ng ibayong sigla at pagmamahal sa kapwa.

Nawa ay patuloy po Ninyo kaming gabayan, protektahan laban sa kasamaan ay patuloy na pagpalain sa buhay. Amen.

Tsk! Tsk! Tsk! Sa mga masusugid na tagasubaybay ng Katropa sa pahayagang ito at sa Social Media, sa inyong lahat ngayong Araw ng Pasko at pagpasok ng Bagong taon 2024, anuman ang inyong kalagayan sa trabaho at buhay, madali man o mahirap; kung sa tingin mo ay nakakamit mo ang isang bagay o kung nakararamdam ka ng pagkabigo; Gusto kong magsabi ng isang salita ng pasasalamat.

Patuloy po tayong nakatatanggap ng mga hinaing, problema sa kanilang lugar, sitwasyon ng kanilang katayuan sa buhay, trabaho, mga opinyon at solusyon na dapat gawin ng ating gobyerno.

Matatapos na po ang taon, ipanalangin po natin na ang lahat ng iyan ay magkaroon ng katugunan, na siyang ikaluluwag ng inyong mga kalooban.

Ilapit po natin sa ating Panginoong Diyos, ang mga pasanin na nadarama sa buhay, at Siya na po ang bahalang gumawa ng mga kaparaanan.

Laging manalangin sa Panginoong Diyos araw-araw. Hanggang sa muli Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon 2024! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments