BIGYAN po natin ng pansin ang makabuluhang opinyon ni Katropang Vicente Ole, ng Barangay Canlubang, Calamba, Laguna, hinggil sa patuloy na pangaapi at panunupil ng Tsina sa karagatan na sakop ng Pilipinas.
Narito po ang komento ni Katropang Ole sa ating naisulat kamakailan: “Noon pa man ay sumusobra na sa pambu-bully (sa atin) ang mga singkit na iyan, dahil alam ng mga ito na wala tayong kakayanan na pumalag sa kanila.
Dapat ay ipakita naman natin sa mga ito na meron tayong dangal, bilang Isang bansang Pilipino at handa natin itong ipaglaban sa sinumang bansa na yuyurak sa ating lahi.
Dito ay nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga bagong henerasyon, na baka sa dadakuhin pang panahon ay mawalan na sila ng karapatan at maging alipin na lamang sa sarili nating bayan.
Iyan ang labis na nakakalungkot na mangyari sa atin pagdating ng panahon, kung tayo ay mananatiling kalmado at puro diplomasya na lang ang itatapat natin sa mga sumasalaula sa ating soberenya.
Katawa-tawa man at tila walang kwentang bagay ang panukala kong ito na i-activate ng ating pamahalaan at bigyan ng kaukulang pagsasanay ang mga ROTC natin gayundin ang ating mga senior citizen na mayroon pang maayos na kundisyon ng katawan upang maging hukbo ng tagapagpatanggol ng ating kasarinlan.
Ang katulad kong Isang ROTC reservist ay nagnanasang makatulong sa ating bansa, upang ipagtanggol ang ganitong uri ng pamamaltrato ang ating lahing Pilipino. Mas gusto ko pang mamatay sa pakikidigma kesa sa mamatay ng walang ginagawa, at nakikita mo ang pambu-bully ng mga intsek na ito sa ating mga kababayang mangingisda.
Lagi nilang sinasabi na aayusin sa mapayapang paraan ang mga gusot na ito sa ating Philippine water, pero hindi tayo pinakikinggan at patuloy at patuloy lang tayong pinaglalaruan ng mga tsinong ito.
Sariling opinyon ko lang po ang mga ito, ngunit seryoso po ako sa aking mga sinasabi at maging bukas na po nawa ang isipan ng ating pamahalaan, na kumilos na upang ihanda na ang ating ROTC reservist at senior citizens, sa pakikibaka para sa bansa kesa naman sa mamatay lang kami na walang pakinabang. Gising na po tayo! Sobra na! Tama na!”
Tsk! Tsk! Tsk! Magandang panukala iyan na itong mga ROTC reservist at mga Senior Citizens, na maayos pa ang pangangatawan at kalusugan ay makatulong labanan ang mga naghahariang pulahan sa ating teritoryo. Hmmm, bakit hindi? Hanggang sa muli. (UnliNews Online)