Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsIligal na pagbibiyahe ng troso, huli sa bayan ng Bustos

Iligal na pagbibiyahe ng troso, huli sa bayan ng Bustos

LUNGSOD NG MALOLOS — Dalawampung iligal na troso ang nahuli sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan ng monitoring team ng Philippine National Police noong January 5, 2024, ayon sa ulat ni Bulacan Environment and Natural Resources Office chief Atty. Juvic Degala.

Ang nahuling Elf truck ayon kay Degala nitong Huwebes (Jan 11) ay iniulat na walang cutting at transport permit ay lumabag sa Seksyon 68 ng Presidential Decree No. 705 Series of 1975, mas kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippines.

Bagama’t hindi nahaharap sa anumang kaso ang drayber ng trak, ang Elf truck na naglalaman ng mga kinumpiskang iligal na kahoy ay inilagak sa pamahalaang barangay ng Bonga Menor.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na bawat indibidwal ay may gamapanin na pangalagaan ang mga likas na yaman.

“Lahat tayo ay may gampanin at may pananagutan sa ating likas na yaman kung kaya’t magtulungan po tayo upang mas mapaigting natin ang pagprotekta sa ating kalikasan,” ani Fernando.

Gayundin, hinikayat din ni Degala ang mga Bulakenyo na iulat ang anumang iligal na gawain na sumasalungat sa kampanya na pangalagaan at ipreserba ang kalikasan at likas na yaman.

“Sana mahalin natin ang ating kapaligiran at likas na yaman. Siguruhing natin na ang mga susunod na henerasyon ay makararanas din ng magandang lugar tulad natin kaya gawin natin ang tama, gawin natin ang dapat, at gawin natin sa lalong madaling panahon,” ani Degala. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments