Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsMga Batang atleta ng Bulacan, nag-uwi ng medalya mula sa Batang Pinoy...

Mga Batang atleta ng Bulacan, nag-uwi ng medalya mula sa Batang Pinoy 2023

LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 36 na medalya ang naiuwi ng mga batang atleta mula sa Bulacan na lumahok sa Batang Pinoy 2023 na ginanap sa ilang lugar sa Tagaytay at Maynila noong Disyembre 17-22, 2023.

Nagwagi ang delegasyon ng Bulacan ng 1 Ginto para sa Arnis; 2 Tanso para sa Athletics; 1 Tanso para sa Archery; 2 Ginto, 4 Pilak, 4 Tanso para sa Chess; 3 Ginto, 1 Pilak para sa Gymnastics; 7 Ginto, 5 Pilak para sa Swimming; 1 Pilak para sa Taekwondo; 1 Pilak, 3 Tanso para sa Weightlifting; at 1 Pilak para sa Wrestling.

Binati ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga nagwagi sa Batang Pinoy sa ginanap na Lingguhang Pagtaas ng Watawat na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes at kanya ring pinuri ang kanilang matagumpay na pagrepresenta sa lalawigan sa nasabing kumpetisyon.

“Binabati ko ang ating mga batang atleta na lumahok at nag-uwi ng medalya sa katatapos lang na Batang Pinoy 2023. Malaking tagumpay ang inyong naiuwi hindi lamang para sa inyong sarili kundi maging para sa ating lalawigan. Mabuhay kayo at nawa ay marami pang Kabataang atleta ang sumunod sa inyong yapak,” ani Fernando.

Ang Philippine Youth Games o Batang Pinoy ay isang pambansang kumpetisyon sa palakasan sa Pilipinas na idinisensyo para sa mga indibidwal na may edad 15 taong gulang pababa. Maaari ding lumahok sa Batang Pinoy ang mga out-of-school youth. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments