CITY OF MALOLOS — Dalawang biktima ng sexual abuse ang nagsampa ng kaso sa Bulacan Provincial Prosecutor Office kamakailan laban sa dating konsehal ng bayan ng San Miguel Bulacan na si Melvin Santos na residente ng Barangay Camias.
Sa naging pahayag sa mga mamamahayag nitong araw ng Linggo ng abogado ng dalawang biktima na si Joey Cruz ang mga ito ay kinilala na si sina alyas “Mark”, 35-anyos at alyas “Joey, 30.
Ayon kay Cruz na sa naging salayasay ng dalawang biktima sinabi ng mga ito na kapwa sila 17-anyos noon ng sila ay dalhin ni Santos sa kanyang bahay at doon sila minolestya.
Dahil sa takot at may hawak daw na baril noon si Santos ay hindi na sila nakapanlaban ng pagsamantalahan sila ng dating konsehal na nagbanta pa na sila ay papatayin kapag nagsumbong.
Sa panayam ng mga mamamahayag ay sinabi ng dalawa na makaraan ang ilang taon ng pananahimik ay nagdesisyon na sila na magsampa ng reklamo dahil marami na daw ang naglalabasan na mga kabataan na nabiktima din ng dating konsehal ng bayan.
Samantala, ito na ang ikatlong kaso ng sexual abuse na isinampa laban kay Santos sa piskalya.
Unang naghain ng reklamong rape at sexual abuse nitong nakaraang ika-18 ng Disyembre ang isang 21-anyos na lalake na si alyas “Roy” na dati namang tauhan ni Santos sa punerarya.
Sa salaysay ng biktima ay 16 anyos pa lamang siya noong naganap ang panghahalay sa kanya ni Santos kung saan ay tinakot din siya nito gamit ang baril at pagbabanta pati na sa kanyang pamilya. (UnliNews Online)