Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionSalamat at may Internet sa ating panahon

Salamat at may Internet sa ating panahon

MAPAPALAD tayong mga baby boomer dahil sa inabot pa natin ang panahon ng Internet sa millenial era ang global network na kinokonektahan ng bilyun bilyong computers at ibang electronic devices.

Sa pamamagitan ng Internet ay nagagawa nating makipagtalastasan sa isa’t at makapagpadala ng mensahe, photo video at audio materials sa sinomang indibidwal maging sa media companies na pinadadalhan ng istorya, larawan at video clips ng mga reporter at mga photographer.

Kaya magpasalamat tayo sa mga computer scientist tulad nina Vinton Cerf at Robert Kahn, sila ang mga nagpasimula ng ideya kung bakit naibabahagi at iba’t ibang impormasyon sa magkakaibang networks sa pamamagitan ng Transmission Control Protocol and Internet Protocol (TCP/IP).

Naranasan ko noong bagu-bago pa lang ako sa larangan ng pamamahayag ang kahirapan sa pagpapadala ng istorya sa news publication na aking pinadadalhan ng istorya. Telepono ang gamit namin noong wala pang fax machine. Idinidikta ko sa pamamagitan ng telepono ng word by word sa deskman ang ginawa kong istorya.

Mahirap talaga kaya kailangang mag long distance call ka muna sa PLDT mula sa 109 para ikonekta ka naman ng telephone operator sa local telephone number ng news publication. Hindi sa lahat ng oras ay available ang deskman. Kadalasan ay busy ang phone numbers ng kumpanya dahil nagkakasabay-sabay ang phone call ng mga reporter.

Masyadong magastos naman kung iluluwas pa sa Manila, ang news story lalo na kung isang istorya lang. Gaano na ang bayad sa isang news story samantalang malaking halaga ang magugugol sa pamasahe. Kaya nagtitiyaga na lang ako sa pag-dial sa 109 para makakonekta sa news desk.

Pero mula nang mauso ang fax machine ay gumaan na ang pagpapadala ng istorya ng mga reporter. Basta’t may pambayad sa telephone station ay walang problema kahit llang istorya pa ang ipadala mo sa iyong publikasyon. Nagkakaproblema lang ay sa kalidad ng litrato kapag ipapadala iyon sa pamamagitan ng fax machine.

Kaya para makasigurado na lalabas pati ang photo kalakip ng news story ay kailangang personal na dalhin sa news publication ang istoryang sinulat pati ang litrato crime story man iyon o PR story. Ganyan ang kalakaran noong sa daigdig ng media noong wala pang Internet.

Pero nang magkaroon na ng Internet sa Bulacan, nauso na rin ang mga Internet café. Dahil kinahiligan ng mga kabataan lalo na ang mga eskwela ang computer games, talagang bumababad sila sa computer stations. Kailangang may Internet sa paglalaro para maganda ang laban ng mga players

Sa Internet shop na rin kami nagpapadala ng news story pati litrato sa news publication sa pamamagitan ng email kaya nakatulong ng malaki sa mga reporter ang Internet. Hindi na rin kami ginagahol sa paggawa ng news story dahil doon na mismo sa computer kami gumagawa ng isorya.

Pero nang mauso naman ang smartphone ay hindi na kailangang pumunta pa ng Internet shop dahil sa cellphone mismo ay makagagawa ka na ng istorya at sa cellphone na rin ang gamit sa pagpapadala ng news story dahil may data ang cellphone kaya nakakokonekta sa news publication. Iyan ang malaking tulong ng Internet sa media industry. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments