Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsPasasaan ba at mananaig din ang ‘Rule of Law’

Pasasaan ba at mananaig din ang ‘Rule of Law’

HANGGANG kailan magtitiis at yayapusin ng mga Pilipinong mangingisda, ang kanilang kalbaryo laban sa mga mapanupil, hidhid at mga sakim na Tsekwang patuloy na humahadlang, sa kanilang pangingisda ng payapa, mismo sa ating teritoryo.

At heto ang pinakabagong ulat na ating nakalap sa ‘social media,’ na hinaras ng China Coast Guard (CCG) ang mga mangingisdang Pilipino na kumukuha ng taktakun shells (ang taktakun ay isang lokal na delicacy na katulad ng snails, kabibi o susu) sa Scarborough Shoal, kamakailan.

Inutusan ng mga Tsekwa na itapon ang kanilang mga huli sa dagat, at pinigilan ang isang bangka ng mga Mangigisdang Pinoy, mula sa pag-alis. Tumalima naman ang mga mangingisda, sabi ng mga ulat.

Matapos ang insidente ay kinumpirma ni Philippine Coast Guard-West Philippine Sea (PCG-WPS) spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang mga mangingisdang Pilipino ay niligalig ng CCG noong Enero 12, at inutusan umano na ibalik ang mga shell na kanilang nakalap mula sa Scarborough Shoal.

Tsk! Tsk! Tsk! Ibig sabihin ang mga susu na kinuha ng mga Pinoy sa karagatan, at tinipon sa kanilang mga bangka ay pilit na ipinababalik ng mga Tsekwa sa karagatan na sakop natin! Ika nga ng isang Katropa natin na nasa academe, “ang napapansin ko lang ay napakatagal ng ng isyung tungkol dyan, ay until now parang hindi mabigyan ng solution. At baka pagdating ng araw eh, wala na talaga tayong karapatan sa West Philippine Sea. Iyan lang ang masasabi ko.”

Ganito na lang ang pwedeng gawin ng mga Mangingisdang Pinoy, na umiwas muna sa lugar na malapit sa karagatang pinagtatalunan ng Tsina at Pilipinas. Baka sa patuloy na pambu-bully ng mga singkit na iyan, ay hindi na makapagtimpi pa ang ating mga Mangingisda at lumaban na rin. At kapag may napinsalang buhay, sa bawat panig ay simula na ng hidwaang hahantong sa isang ganap na kaguluhan.

Umiwas muna at hayaan umusad ang ating mga apelasyon o panawagan sa International Court of Justice, alinsunod sa batas. Nasa sa ating mga lider ng pamahalaan na magbigay ng abiso sa ating mga kababayang Manigngisda na umibis muna pansamantala ng lugar para sa kanilang pangingisdaan. At hanggat maaari ay iwasan ang komprontasyon.

Pasasaan ba at ang lahat ay maisasayos din, matagal man ang panahon o hindi, basta manalig tayo na ang Batas ay nakapanig sa atin. Walang sinuman ang hihigit sa Batas. Ang ibig sabihin ng rule of law ay ang lahat ay dapat sumunod sa batas, at walang sinuman ang mas mataas sa batas. Nangangahulugan ito na ang pamahalaan ng Tsina, at ang mga pinuno nito ay dapat ding sumunod sa batas. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments