Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsTax Compliance Verification Drive pinaigting ng BIR West Bulacan

Tax Compliance Verification Drive pinaigting ng BIR West Bulacan

LUNGSOD NG BALIWAG — Pinaigting ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office (RDO) 25A-West Bulacan ang pagsasagawa ng Tax Compliance Verification Drive (TCVD) sa may 600 nasasakupang establisyemento.

Ang isinasagawang tax mapping ay bahagi ng sabayang pag-iikot ng kawanihan sa buong Pilipinas upang matiyak na nakakasunod sa mga paraan ng pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon ang bawat establisyemento.

Ayon kay BIR West Bulacan Revenue District Officer Raymund Rachez, pinasimulan ang TCVD sa mga lungsod ng Baliwag at Malolos kung saan may 28 revenue officer ang idinestino sa bawat lugar.

Sa pag-iikot ng mga kawani ng BIR, kailangang makita ng kawanihan sa isang partikular na establisemento ay ang pagpapaskil ng orihinal na certificate of registration, book of account, official receipt o invoice na authorized ng BIR at ang karatulang may nakalagay na “This establishment MUST issue RECEIPT/INVOICE” at hindi ang lumang “ASK FOR RECEIPT” na karatula.

Ipinaliwanag ni BIR Revenue Region 5 Regional Investigation Division Assistant Chief Grace Cruz na obligadong ibigay ng isang nagnenegosyo o establisemento ang resibo matapos mabayaran sa kanila ang isang transaksyon.

Naging pagkakataon din ang TCVD upang maikampanya ng BIR na maari nang makapag file at makapagbayad saan mang sangay ng BIR na mas malapit.

Hindi na rin maniningil ng taunang P500 registration fee simula noong ika-22 ng Enero 2024 sang-ayon sa Republic Act 11976 o ang Ease of Paying Taxes Act.

Isa itong pangunahing repormang pang-ekonomiya upang mapagaan at mapadali ang pagbabayad ng buwis at mapataas ang koleksiyon na susuporta sa pagsasakatuparan ng 2023-2028 Philippine Development Plan. (UnliNews Online)

Source: PIA Bulacan

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments