Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsIka-97 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas, gugunitain

Ika-97 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas, gugunitain

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang isang makabuluhang paalala lalo na sa mga susunod na henerasyon ng mga Bulakenyo, magbibigay-pugay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo kay Gat Blas “Ka Blas” F. Ople sa Ika-97 Anibersaryo ng Kapanganakan nito sa pamamagitan ng isang maikling programa na gaganapin sa harap ng Gusaling Gat Blas F. Ople: Sentro ng Kabataan, Kaalaman, at Hanapbuhay, Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound dito sa Sabado ng umaga (Feb. 3)

May temang “Gat Blas F. Ople: Dunong ng Bulakenyo, Ambag sa Mayamang Ugnayan ng Pilipinas sa Mundo”, pangungunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang isang payak na programa upang gunitain ang buhay at mga nagawa ni Ka Blas.

Inaasahang dadalo sa komemorasyon ang panauhing pandangal na si Kalihim Enrique A. Manalo ng Department of Foreign Affairs na kakatawanin ni DFA Undersecretary Eduardo Jose A. De Vega, Pamilyang Ople sa pangunguna ng anak ni Ka Blas na si Dalisay Ople-San Jose, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga pinuno ng tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, OFW Family Circle, Peso Managers, BTEC, historical groups at DepEd superintendents at supervisors.

Magsasagawa rin ng job fair sa bayang pinagmulan ni Ka Blas na pangungunahan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) PESO Hagonoy at Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa Hagonoy Municipal Grounds sa ganap na ika-8:00 ng umaga bilang bahagi ng pag-alaala sa kanyang kapanganakan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments