SA naging talumpati ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nitong nakaraang araw sa kanyang pag-ayaw sa Charter Change (cha-cha), ay tila hindi maganda sa pandinig ang mga binitiwang salita nito, laban sa Unang pamilya ng bansa.
Ayon sa mga nakakausap ng Katropa, kung ang personal na pag-atake ni Duterte sa katauhan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa kanyang ginang, ay may katotohanan, iyan ay nararapat lamang. Dagdag pa nila na ang bintang ay may malaking epekto o impact sa katatagan ng bansa.
Dahil sa galit ni Duterte laban sa cha-cha, sa talumpati nito ay sinabihang ‘bangag’ si PBBM, at idinagdag pa ang salitang “may drug addict tayong Presidente, at ‘may asawang hungry for power! Pati si San Pedro sa langit at ang manok nito ay tinampalasan na rin.
Liwanagin natin, kung bakit galit si Duterte sa cha-cha. Batay sa ating pananaliksik, ano ba ang gamit ng charter change? Ang reporma sa konstitusyon sa Pilipinas, na kilala rin bilang charter change (colloquially cha-cha), ay tumutukoy sa mga prosesong pampulitika at legal na kailangan para amyendahan ang kasalukuyang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
Napagalaman pa din ng Katropa, kung bakit kinakailangang baguhin ang 1987 Constitution? Sa ulat na lumabas sa ‘social media,’ inulit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kamakailan, ang pangangailangang amyendahan ang luma at mahigpit na mga probisyon sa ekonomiya ng 1987 Constitution upang makaakit ng mas maraming dayuhang pamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, magbukas ng mga pagkakataon sa kita para sa ating mga tao, at mag-udyok sa pag-unlad.
At ano ang kapangyarihan ng inisyatiba (People’s Initiative)? Inilalaan ng mga tao sa kanilang sarili ang kapangyarihang magmungkahi ng mga batas at magpatibay at tanggihan ang mga batas, na tinatawag na inisyatiba, at ang kapangyarihang aprubahan o tanggihan ang mga batas na pinagtibay ng lehislatura, na tinatawag na referendum. Ang kapangyarihan ng inisyatiba ay umaabot lamang sa mga batas na maaaring ipatupad ng lehislatura sa ilalim ng konstitusyong ito.
Okay iyang People’s initiative kay Duterte, dahil ilan sa sinabi niya na iyan ay nagmumungkahi ng pagbabago at pagsasaayos. Ang ayaw lamang niya ay bakit nga naman kailangang palitan pa? Huwag ng sirain ang batas, iyan ay pamantungan ng kaustusang bayan.
Batay sa nakalap na balita sa ‘social media’ ay itinigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng tungkulin nito kaugnay sa isinasagawang people’s initiative na amyendahan ang 1987 Constitution na nagdulot ng lamat sa pagitan ng Senado at House of Representatives. Hayan at COMELEC na ang kumilos, sa sigalot sa Kongreso.
Tsk! Tsk! Tsk! Pabor ang Katropa na punahin ng sinuman, ang anumang inihahaing batas o panukala sa mababa at mataas na kapulungan, gayundin ang hindi maayos na gawain ng isang pangulo. Subalit ayon sa isang magtataho ay: “hindi katangap-tanggap na personal na lapastanganin ang katauhan ng isang pinuno ng bansa. Alalahanin natin na ang Pangulo ay ang Pinuno ng Estado at Pinuno ng Pamahalaan, at gumaganap bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines. Siya ay binoto ng nakararaming Pilipino. He deserved to be respected.” Okey Mamang magtataho, salamat sa mapaklang taho mo. Hanggang sa muli! (UnliNews Online)
SIDEBITS:
Ipinagdiwang ang kaarawan ng mga Senior Citizens (SCs), at nagbigay ng pagmamahal at ala-ala ang mga Opisyales ng Senior Citizen Affairs (SCA), ginanap sa Barangay Bongbong, Valencia, Negros Oreintal, kamakailan. Makikita sa larawan ang mga Opisyal at SCs na nagdiwang ng kanilang birthday, sina: Joveniana Compañero, Cora Mendosa, Nicanora Los Baños, Eutiquio Los Baños, Pangulong Marcial Omnos, Papiniana Sayre. (Larawan ni Katropang Bebs Los Banos)