Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsTangkang panghoholdap naunsyami, suspek arestado ng Malolos PNP

Tangkang panghoholdap naunsyami, suspek arestado ng Malolos PNP

LUNGSOD NG MALOLOS — Naunsyami ang tangkang panghoholdap ng dalawang lalake matapos manlaban ang kanilang bibiktimahin at mabilis naaresto ng kapulisan sa Paseo Del Congreso, Brgy. San Agustin sa naturang lungsod kamakailan.

Base sa ulat kay Lt. Col. Andrei Anthony S. Manglo, Malolos City Chief of Police, kinilala ang suspek na si Donato Aratan Asistores, 46 anyos, binata, jobless at residente ng 1189, Tramo Road Tajeros Convention, Rosario, Cavite at kasama nito habang ang biktima ay si Bernie Manansala Policarpio, 32,may-asawa, tattoo artist at residente ng Magcalinis St.,Brgy. Malabanez, Angeles City, Pampanga

Base sa naging imbestigasyon, may transaksyon ang biktima at ang suspek na ibebenta ang alagang German Sheperd sa kakilala ng supek na residente ng Malolos.

Gamit ang kolong kolong ng biktima ay pumunta sila sa bahay ng bumibili ngunit habang nasa daan, nag-anunsyo ang suspek at kasama nito ng hold-up at tinutukan ng baril ang biktima at sinubukang agawin ang naturang kolong kolong.

Nakipagbuno ang biktima sa suspek at nagawang agawin nito ang baril at mabalis na nakahingi ng tulong sa Malolos PNP.

Agad na rumesponde ang kapulisan sa pangunguna nina PCpl John Philip Ancheta at PCpl Vivencio Abalos, pawang miyembro ng Malolos PNP at sa turn over at frisking sa suspek, isang bag na kulay itim ang narekober na naglalaman ng iligal na droga at isang kalibre .38.

Ang dalawang suspek at ang mga ebidensya na nasamsam ay dinala sa Malolos Police Station para sa tamang disposisyon.

Patong-patong na kaso ang nakatakdang harapin ng mga suspek habang inihahanda na ihain sa Office of the Prosecutor. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments