Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraAmoy PULITIKA na sa Batangas!

Amoy PULITIKA na sa Batangas!

ANO itong alingasngas na umiikot ngayon sa lalawigan ng Batangas na si Gov. Hermilando Mandanas ang napipisil ni Pangulong Bongbong Marcos na maupong EXECUTIVE SECRETARY kapalit umano ni Lucas Bersamin.

Maugong din ang balitang tatakbo diumano ang nabanggit na gobernador sa pagka-senador sa 2025 elections kasama sa partido ni PBBM. Aber, tignan nga natin. Hehehe.

Napipisil naman umano ni Finance Secretary Ralph Recto na ilaban sa pagka-gobernador ng Batangas ang dating mayor ng Padre Garcia at sa kasalukuyan ay 1-Care party-list representative na si Mike Rivera. Sa isang banda hindi rin umano aatras ang Vice Mayor ng Mataas na Kahoy na si Jay Manalo Ilagan na tatakbo rin sa pagka-gobernandor sapagkat ayon sa balita ay siyang nangunguna sa survey kahit sino pa diumano ang makalaban nito.

Mukhang nagpapasikat naman ang batang Leviste ah… Si Lian Vice Mayor Ronin Leviste. Sa magandang record ni Vice Mayor Leviste mukhang nagkakapangakan ito sa larangan bg pulitika.

Patunay ang 365 days na complishment record sa kaniyang pag-upo bilang bise alkalde ng Lian, Batangas. P3.5M worth of educational assistance distributed to Lianenos, P650K worth of laptops distributed for the barangay community learning desk of SK Chairman, turnover of 50 deskstop computers for the public schools thru Smart Communications Inc, donated hundreds of children books in partnership with McDonalds to child development worker.

Doon naman sa mga Senior Citizens, matagal ng tinatanong ng inyong lingkod kung bakit kelangan pa ang booklet para bigyan ng discount ang mga katndaan sa mga drug store partikular sa Mercury Drug?

Naawa ako sa ilang mga senior citizen na nakakausap kong bumibili ng gamot sa drug store. Hindi sila binibigyan ng discount dahil wala silang booklet. Malaking bagay din sa kanila ang discount lalo pa at kung saan pa nila kinukuha ang perang ibinibili nila ng kanilang mga.

Ang tanong! DI PA BA SAPAT ANG IDENTIFICATION CARD para patunayang sila ay senior citizen at may karapatan sa nasabing discount?

Siguro dapat magkaisa ang mga OSCA HEAD ng bawat munisipalidad kasama ang Office of the Senior Citizens Affair sa buong Pilipinas upang kalampagin ang Kongreso at Senado na alisin na ang lintek booklet na iyan para maramdaman talaga ng mga senior ang kanilang tulong kuno sa mga matatanda nating kababayan.

Ano iyong nakalap na balita ng ALA BIRA na meron umanong nasa 30 suspicious na Chinese personality na nagkukunwaring mga negosyante at gumagala sa Calapan papuntang Occidental Mindoro. Ayon sa isang resort owner, handang bumayad ng renta ang nga nasabing Chinese kahit malaking halaga na may condition na exclusive ang kanilang magiging pag-stay sa nasabing lugar. Tinatawagan natin ng pansin ang Bureau of Immigration. Paki-suyod naman ang nabanggit na lugar kung totoo ang nasagap nating balita lalo’t ang mainit ang isyu ng West Philippine Sea. Babu! (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments