Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsGreenery Resort sa Baliwag, dinumog ng mga jobseekers sa ‘3-Day Mega Job...

Greenery Resort sa Baliwag, dinumog ng mga jobseekers sa ‘3-Day Mega Job Fair’

Nina Verna Santos Ching & Jason B. Estrada

LUNGSOD NG BALIWAG — Sa pangunguna ng Provincial Government of Bulacan, sa tulong ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO), Damayang Filipino Movement, Department of Labor and Employment (DOLE) Region III at ng The Greenery Resort, isang 3-day Mega Jobs Fair ang idinaos na nagsimula nu’ng Thursday (Feb. 15) hanggang Sabado (Feb. 17) sa Barangay Sabang sa nabanggit na lungsod.

May temang “FEB-Ibig sa Bulakenyo, Trabaho at Turismo,” nasa 35 local companies at 7 international companies ang nakiisa habang mahigit 5,890 trabaho ang nakalaan sa mga kwalipikadong aplikante, sa mga newly graduates at unemployed.

Kabilang sa mga lumahok ang ilang malalaking kumpanya na tulad ng Pisces International Placement Corp., Staffhouse International Resources, Rensol Recruitment, FMW Human Resources International Corporation, BISON Management Corporation, ERRX Recuitment Consulting, Jobsite General Services Inc., RM Foods Incorporated, Automan Service and Parts, Eyequest International Manpower Service Inc., Alfamart at iba pa.

Ayon naman sa mensahe ni Athenie R. Bautista, officer in charge ng Damayang Filipino Inc., ang naturang 3-day Job Fairs sa Greenery Resort Baliwag ay bilang suporta ng lalawigan ng Bulacan sa gobyerno na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino para mabawasan ang bilang ng jobless Pinoys. (Kuha ni Jason B. Estrada)

Sa mensaheng pinahatid ni Gov. Daniel R. Fernando, tinitiyak nitong maraming unemployed at mga newly graduates na Bulakenyo ang magkakaroon na ng trabaho dahil sa pagsali ng mahigit 41 kumpanya na handang magbigay ng trabaho.

Pinuri naman ni Geraldine M. Panlilio, Regional Director, DOLE Region III ang Provincial Government of Bulacan sa pangunguna ni Gov. Fernando dahil sa inisyatibo nitong magsagawa ng mga job fair para sa mga kababayang walang pirmihang trabaho.

Pinasalamatan naman ni Rosemarie Navotas, officer in charge ng PPESO si Gov. Fernando dahil sa ibinibigay nitong suporta sa kanilang departamento upang maisagawa at mapagtagumpayan ang tatlong araw na job fair.

“Salamat Gov. Fernando sa iyong ibinigay na tulong at suporta para maging matagumpay ang ganito kalaking proyekto,” ani Navotas.

Dagdag pa nito na bukas ang fair para sa mga job seekers na may background o wala, basta magdala lamang ng resume at mga requirements para sa mabilis na proseso ng papeles.

Bukod sa Job Fair, nag-offer din ang PhilHealth membership, Social Security System membership, Home Development Mutual Fund (HDMF), NBI, TESDA, DMW, DFA, BIR, DTI, PSA para sa mga pangunahing kailangan sa paghahanap ng trabaho.

Ayon naman kay Athenie R. Bautista, officer in charge ng Damayang Filipino Inc., ang naturang 3-day Job Fairs sa Greenery Resort Baliwag ay bilang suporta ng lalawigan ng Bulacan sa gobyerno na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino para mabawasan ang bilang ng jobless Pinoys.

“Hindi lang job fair ang nakatakdang ilunsad at idaos dito sa Greenery Resort Baliwag dahil sa mga darating na araw ay isang medical mission ang nakatakdang isagawa dito para naman maihatid ang tulong medikal sa mga nangangailangang Bulakenyo,” dagdag pa ni Bautista. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments