Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan, muling kinilala bilang Most Outstanding Province sa Luzon ng DA-PhilRice

Bulacan, muling kinilala bilang Most Outstanding Province sa Luzon ng DA-PhilRice

LUNGSOD NG MALOLOS — Muli na namang tumanggap ng Excellence Award ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAO) bilang Most Outstanding Province sa Luzon sa ilalim ng Large-scale Award Category na iginawad ng Department of Agriculture (DA)-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa idinaos na RCEF Awards Recognition of Partners kamakailan sa DA-Philippine Research Institute Central Experiment Station, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa pangunguna ni Panlalawigang Pinuno sa Pagsasaka Ma. Gloria SF. Carrillo, nakamit ng lalawigan ang pagkilala dahil sa kanilang mahalagang papel sa pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Seed Program sa pamamagitan ng kanilang epektibong seed delivery at distribution targets noong 2023 Wet at 2024 Dry Seasons.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang bigat nang pagsunod sa mga programa ng DA, na nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalakas ng competitiveness at kita ng mga magsasaka ng palay sa Bulacan.

“Sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, hindi lamang natin pinapalakas ang ekonomiya ng Bulacan, nagsisilbi rin itong instrumento upang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasakang Bulakenyo. Ang kanilang dedikasyon at sipag ang nagbigay-buhay sa lalawigang may masiglang agrikultura at masaganang ani para sa ating mga kababayan,” anang gobernador.

Samantala, sinabi ni Provincial Agriculturist Ma. Gloria Carillo na ang pagkilala sa mga taong nasa likod ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-agrikultura sa grassroots level.

“Nagtagumpay ang Bulacan! Congratulations sa mga kalalakihan at kababaihan ng Provincial Agriculture Office at ng Municipal and City Agriculture Offices,” ani Carrillo.

Noong Agusto 2022, tumanggap ang Lalawigan ng Bulacan ng Special Citation mula sa DA-PhilRice matapos makamit ang 100% seed delivery target sa lalawigan at cumulative distribution rate na 98%. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments