Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsVG Castro nagka-award; Salamat kay Mayor Rico Roque ng Pandi

VG Castro nagka-award; Salamat kay Mayor Rico Roque ng Pandi

MULING kinilala ang lalawigan ng Bulacan, dahil sa pagkamit ni Vice Governor Alex Castro bilang “Most Influential and Outstanding Advocate for Governance” sa Asia’s Influential Leader Awards na ginanap sa Grand Ballroom, Okada, Manila, kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Si Castro ay kinilala dahil sa kanyang patuloy na pagyapos sa kanyang mga sinumpaang mga pangako at pagpapatibay ng mga hangaring ipagpatuloy ito ng ganap.

Masasabi natin na bilang puno sa larangan ng pambabatas, ito ay nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng Bulakenyo. Kaya siya ang nakauungos at maimpluwensyang pinamumunuan ang nasabing lalawigan. Mabuhay ka VG Castro!


Ang pamamaraan ni P/Lt. Col. Rey Apolonio, Chief of Police ng Pandi Police Station, sa Bulacan, ay isang magandang ehemplo na isinagawa nitong nakalipas na Valentine’s Day, na kailangang pamarisan ng ibang istasyon ng pulisya, ito ay ang paghahandog ng bulaklak sa mga commuters o taong nasasalubong sa daan. Isang mabisang paraan na mailapit ang pulisya sa taumbayan.

Ang pamamaraan ni Apolonio sa pagbuo ng tiwala sa pulisya ay nangangailangan ng oras at pagsisikap, ito ay mahalaga para sa pulisya na maging epektibo. Kapag nagtitiwala ang mga tao sa pulisya, mas malamang na makipagtulungan sila sa kanila at mag-uulat ng mga krimen. Mas maliit din ang posibilidad na matakot sila sa pulisya at mas malamang na tingnan sila bilang isang mapagkukunan ng katotohanan.

Tsk! Tsk! Tsk! Napuna natin na pawang disiplinado ang mga pulis sa bayan ng Pandi. Ilan sa mga nakilala natin noong Valentine’s Day 2024, ay ang mga magagalang at friendly na sina Pat. Jay March Rivera, Pat. Jeral Pangilinan, Pat. Sarah Guinto, Pat. Carlo Bernardino, Pat. Charlen Dominic Lejao Casinos, PSSg Abdulmoin Abdula Amil Jr., at Ms. Ja Ramada.


Tutal nasa bayang Pandi na rin lang tayo, nais natin ipabatid kay Mayor Rico Roque at sa Sangguniang Bayan nito na pinangungunahan ni VM Lui Sebastian, ang pasasalamat ng ating mga nakausap na mga senior citizens na nakatanggap ng local pension mula sa inyo.

Narito ang mga salitang sinabi, “pinapahalagahan po namin ang inyong handog sa mga Lolo at Lola, “ “ kailangan po talaga itong pera, hinihintay po namin ito.” “ Thank you for making my day. I love you!” At marami pang iba na magaganda at nakatataba ng pusong salita mula sa mga Lolo at Lola.

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan po ang local pension para kay lolo at lola, na taunang ipinamimigay nila Mayor Roque at mga kasama nito mula sa Pamahalaang Bayan ng Pandi sa mga Senior Citizens ng naturang bayan. Hindi ko man napagkikita si Roque ng personal sa kasalukuyan, ay nais ko rin ipaalam sa inyo ang aking pasasalamat. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments