Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsApat na suspek sa illegal quarry operation, arestado!

Apat na suspek sa illegal quarry operation, arestado!

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa layuning palakasin ang kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan laban sa ilegal na pag-quarry, apat na indibidwal ang arestado sa joint operation sa Anti-Illegal Quarry ng “Escombro” na pinangunahan ng Bulacan Environment and Natural Resources Offices (BENRO), Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at San Ildefonso Municipal Police Station sa Brgy. Sapang Puitk, San Ildefonso, Bulacan noong Martes (Feb. 20).

Ayon sa Pinuno ng BENRO na si atty. Julius Victor Degala, humantong ang operasyon sa pag-aresto kina Fernando Patac, 49, mula Santa Maria; June Padilla, 45, mula Marilao; Rogie Remetio, 39, at Ginglebert Verde, 46, kapwa residente ng San Ildefonso, Bulacan, na lumabag sa Mineral Theft under Section 103 of Republic Act 7942 (Philippine Mining Act), Section 71-A of the Provincial Ordinance C-005 o ang Environmental Code of the Province of Bulacan, at ang kamakailan lamang na Executive Order No. 21 Series of 2022.

Nakiusap naman si Gobernador Daniel R. Fernando para sa kooperasyon ng mga Bulakenyo upang tuluyang mawakasan ang illegal quarry activities sa lalawigan.

“Sa mga hindi sumusunod sa batas, maging handa na kayong harapin ang mga kaukulang parusa. Sa pamamagitan ng ating BENRO at kapulisan, sinisiguro ko ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanagot ang mga lumalabag dito. Kaya naman hinihikayat ko ang bawat isa na maging mapanuri at magsumbong sa mga awtoridad kung may anumang kahina-hinalang gawain sa pag-quarry upang mawakasan ang ilegal na gawaing ito sa ating mahal na lalawigan,” anang gobernador.

Samantala, dinala naman ang mga nahuling indibidwal sa PIU Office habang ang mga nakumpiskang mga ebidensiya kabilang ang 150 piraso ng chisel, limang piraso ng bend, apat na pala, tatlong sledgehammer, dalawang digging bar at isang unit ng water pump ay isinuko sa BENRO. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments