PANDI, Bulacan — Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga senior citizen ng Brgy. Bunsuran 3rd sa Bayan ng Pandi ng dayuhin ito ng #LABExpRess, ang Mobile Health Clinic para magsagawa ng libreng serbisyo medikal sa mga residente.
Umabot sa 152 residente ang nakatanggap ng libreng laboratory tests tulad ng CBC, urinalysis, FBS, cholesterol, uric acid, ultrasound, chest x-ray at ECG.
Ayon kay Ma. Theresa Hamera, BHW ng Brgy. Bunsuran 3rd, ito umano ang ang unang pagdalaw ng programang #LABExpRess bitbit ang Mobile Health Clinic para magsagawa ng mga laboratory tests sa kanyang mga ka-barangay.
“Half day itong isinagawa at maliban sa libreng mga laboratory test ay binigyan din ng pagkain at libreng gamot ang mga senior citizen,” dagdag pa ng nasabing BHW.
Ayon naman sa pangulo ng senior citizen sa nasabing barangay na si Miliana Blanca, sobrang tuwa ng mga katandaan sa programang ito ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Rico Roque, Vice Mayor Lui Sebastian at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
“Sa bawat programa ni Mayor Rico ay laging prayoridad ang mga senior citizen dito sa Pandi. Number 1 ang mga senior kay Mayor Rico,” ani pa ni Blanca
Kaya mga Pandienyo, maghanda sa pagdating ng #LABExpRess sa inyong barangay!
“Kalusugan mo, Una sa aming serbisyo,” Una sa Team Puso at Talino!!! (UnliNews Online)