Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsNgiting Panalo, ngiting batang Pandieño

Ngiting Panalo, ngiting batang Pandieño

PANDI, Bulacan — Bilang pakikiisa sa National Oral Health Month, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna nina Mayor Rico Roque, Vice Mayor Lui Sebastian at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagtuturo sa mga daycare pupils ng tamang pagsisipilyo at mga magagandang gawi para protektahan ang kanilang mga ngipin.

Layon ng aktibidad na ito na palakasin ang kamalayan ng publiko lalo’t higit ng mga bata ang kahalagahan ng mabuting oral health at isulong ang mga benepisyo na dulot nito.

Sa temang “Sa Healthy Pilipinas, Bawat Ngiti Mahalaga” halos nasa 3,301 daycare pupils sa 44 daycare centers sa Pandi ang makikinabang ng programa.

Personal namang binisita ni Mayor Roque ang naturang aktibidades sa Brgy. Mapulang Lupa upang saksihan ang mga daycare pupils sa kanilang tamang pagsisipilyo.

“Malaking bagay ang programang ito upang maturuan at magabayan ang mga bata sa tamang pag-aalaga ng kanilang mga ngipin,” ani ng alkalde.

A Brighter Smile for Pandieño. Serbisyong Puso at Talino! (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments