Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraCalaca City Mayor Nas Ona, tatakbong Gobernador ng Batangas?

Calaca City Mayor Nas Ona, tatakbong Gobernador ng Batangas?

SA bawat isyu ng ating kolum na ALA BIRA dito sa UnlineNews Online, magkakaroon tayo ng topic na tumutukoy sa AMOY NG PULITIKA SA BATANGAS.

Gaano naman kaya katotoo na tatakbo umanong gobernador ng lalawigan ng Batangas si Calaca Mayor Nas Ona.

Ayon sa reliable source at malalapit na leader ni Mayor Nas, hinihintay lang kung ang nasabing mayor ang i-endorso ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na kasalukuyan umanong napipisil ng Malacañang na uupong EXECUTIVE SECRETARY ni PBBM o tatakbong senador sa ilalim ng partido ng Pangulo.

Aba, kapag nagkataon ay magandang laban ito. Nas Ona mula sa 1st District, Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan mula sa 3rd District at ang mamanukin diumano ni Finance Secretary Ralph Recto na si One-Care Partylist Representative at dating Mayor ng Padre Garcia Michael Rivera, na taga-4th District.

Isang malaking katanungan naman ng mga taga-Calaca ay sino naman ang tatakbong alkalde ng Calaca sa partido Mayor Nas. Ang asawa ba ng alkalde na si Dra. Sharon?

Marami umano ang lalaban ayon sa malalaking lider pulitika sa Calaca kung ang asawa nito ang patatakbuhin. Pero kung ang tatakbo ay ang kapatid ni Mayor Nas na si dating Calaca Mayor Boogle Ona, wala diumanong maglalakas loob na bumangga sa dating alkalde sapagkat ayon sa maraming residente, maganda umano ang iniwan nitong record at kilala sa bait at galing ang dating mayor.

Sa lone district naman ng Lipa City matunog na ang tatakbong congressman ay ang anak ni Finance Secretary Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos na si Ryan Recto…. aba, iisa ring pangalan at pamilya ang mga aspirante ah ..wala bang ibang pangalan para mabago naman. Hehehe.

Nasaan na ang mga Sabile. Umatras na ba agad. Iisa pa lang na ng talo eh, umayaw na agad.

Sabi sa nga sa awitin ni Freddie Aguilar, ANG UMAAYAW AY DI NAGWAWAGI. Sabi naman sa EAT BULAGA ni Lola Belen.. SUKOL SUKOL LANG. Hehehe.


Ang inyo pong lingkod o ang ALA BIRA ay nilapitan ng isang nangangailangang residente na humihingi ng tulong na may bukas-palad na tumulong at maging daan upang madugtungan pa ang buhay ng isang kababayan.

Si Crizaldo Zara Endaya, 50 years old, residente ng Bgy 5, Poblacion Calaca, Batangas, ay anim na taon ng sumasailalim sa dialysis. Tatlong beses isang linggo at P1,600 per session at may maintenance na gamot na aabot sa halagang ng P2,000 isang linggo para sa kaniyang pusong nagbabara.

Sana po at matulungan natin. Sa may kakayanan pong tumulong, Diyos na po ang bahalang magsukli ng inyong kabutihan.

Sa may pinagpala at bukas palad na tutulong, tumawag lang po sa 09658706945, Edna Endaya, asawa po ng maysakit, at sa 09557226071 ALA BIRA OFC..MARAMING SALAMAT PO.

Ang almost 60 dialysis patients na taga Calaca ay diumano’y naiinggit sa bayan ng Balayan, Lemery, na mayroong DIALYSIS CENTER para sa libreng dialysis ng kanilang mga residente.

Bakit ang bayan ng Calaca ay wala? Ayon sa kanila, SANA ALL! (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments