Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBise Gob. Castro, kinilala bilang ‘Most Influential and Oustanding Advocate for Good...

Bise Gob. Castro, kinilala bilang ‘Most Influential and Oustanding Advocate for Good Governance’

Nina Verna Santos at Allan Casipit

LUNGSOD NG MALOLOS — Si Bulacan Vice Gov. Alexis Castro ay isa sa mga pampublikong opisyal na kinilala bilang “Most Influential and Outstanding Advocate for Good Governance” sa Asia’s Influential Leader Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila noong ika-16 ng Pebrero 2024.

Ang parangal ay naglalayong magbigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga namumukod-tanging indibidwal at entidad ng negosyo para sa kanilang mga makabuluhang epekto, tagumpay at kontribusyon sa lipunan.

Kinilala si Castro sa kanyang namumukod-tangi at maimpluwensyang pamumuno sa Bulacan bilang isang innovator at pinuno sa larangan ng batas.

Sinabi ng bise gobernandor na ang parangal ay isang testamento ng kanyang pangako, determinasyon, tiyaga, integridad at katapatan.

Iniaalay niya ang parangal sa lahat ng mambabatas ng Bulakenyo.

Kabilang sa iba pang pinarangalan ay sina Sen. Mary Grace Poe, Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr., mga aktor na sina Coco Martin at Alden Richards, Comelec Chairman George Erwin Garcia, at iba pa. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments