Monday, January 6, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsDepEd-ALS at CENRO, nagsagawa ng tree planting cum wellness program

DepEd-ALS at CENRO, nagsagawa ng tree planting cum wellness program

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagsagawa nang tree planting cum wellness program ang DepEd-ALS at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) noong nakaraang Friday (Feb. 23).

Nagtanim ng kabuuang tatlumpung (30) samplings na binubuo ng labinlimang (15) Caballero Tree at labinlimang (15) Narra Tree sa Malolos Recovery Facility sa Barangay Mambog.

Bahagi ng nasabing programa ang pagsasagawa ng Zumba na layuning mapanatili ang malusog na pangangatawan ng bawat indibidwal.

Sa mensahe ni SDS Leilani Samson Cunanan, CESO V, nagpahayag siya ng lubos na pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa patuloy na pagsuporta sa mga programa at gawain ng DepEd Malolos hindi lamang sa pang-edukasyon kundi pati na rin sa pangkalikasan.

Ayon naman kay Salvador Lozano, EPS I – AP – ALS Malolos Focal Person, ipinahayag niya ang kanyang kasiyahan sa pagbabalik sa MRF at pagiging bahagi ng isang programa na nagtataguyod ng kaayusan sa kalikasan.

Ipinahayag naman ni Amiel S. Cruz, OIC-Supervising Environment Management Specialist (CENRO), na ang pangangalaga sa kalikasan ay kaakibat ng kalusugan na patuloy na isinusulong ng kanilang tanggapan.

“Let’s make Malolos a Green City!” ani Cruz. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments